
Fun Thursday na puno ng energy and dance moves ang inihanda Family Feud!
Ngayong November 27, mapapanood ang iconic dance groups na sumikat noong '80s na Vicor Dancers at Hotlegs.
Timeless precision at powerhouse choreography ang nagpasikat sa Vicor Dancers noong '80s. Sila ay nakilala sa mga dance steps sa hit songs na "Like a Cannonball" by Menudo; "Just Got Lucky" by Jo Boxers; "I'm so Excited!" by the Pointer Sisters; "We Built This City" by Starship; at ng "Bagets" movie theme song na "Growing Up" by Gary Valenciano.
Maglalaro sa Family Feud ang Sexbomb founder and choreographer na si Joy Cancio. Siya ay nag-develop ng dance exercise na "SayAww," at may advocacy na magturo sa underprivileged youth ng sayaw. Makakasama niya sa team na maglalaro sa Family Feud ang freelance graphic designer at into enhancing wedding photos na si Butch Pura; si Trina Llanes na two-decade long full-time registered nurse sa UCLA Surgery Center sa Los Angeles, California; at si Dinggoy Dizon na retro dance exercise instructor.
Ang Hotlegs naman ay ang famous Philippine jazz dance company na nabuo noong 1981. Nakilala naman ang Hotlegs sa kanilang dynamic and professional performances.
Maglalaro sa Family Feud ang retired costume-designer and maker na naghahanda na para magturo sa Benilde na si Twinkle Zamora. Makakasama niya sa Family Feud stage ang fellow Hotlegs members: si Carmelle "Ching" Ros na isang theater actress, pole and aerial artist, and insurance agent; si Glay Pineda na isang stage manager sa corporate events; at si Lito Cipriano na isang fitness exercise and line dancing coach.
Exciting na paghaharap ng two pillars of Philippine dance ang ating aabangan sa Family Feud ngayong November 27, 5:40 p.m. sa GMA.
Subaybayan ang fresh episodes ng Family Feud Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP10,000 up to PhP100,000! Panoorin ito para sa paraan ng pagsali sa Guess More, Win More promo: