GMA Logo
What's Hot

Victor Anastacio, natanong tungkol sa nakaraan sa home TV shopping

By Marah Ruiz
Published January 10, 2020 6:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BRP Emilio Jacinto conducts maritime patrol, test fire off Zambales
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News



Binalikan ni Victor Anastacio ang kanyang nakaraan bilang isang home TV shopping host.

Ibinahagi ni The Gift actor Victor Anastacio ang isang maikling bahagi ng kanyang stand up routine para sa Comedy Manila.

Victor Anastacio
Victor Anastacio


Dito, naikuwento niya ng tungkol sa isang tanong sa kanya noong nagtatrabaho pa siya bilang host sa isang home TV shopping network.

"Meron ka bang mga binebenta na hindi mo pinapaniwalaan?" tanong daw sa kanya.

Idinaan naman niya sa biro ang sagot niya.

"Sabi ko, well, nagho-host ako ng weddings. Alam mo 'yun," ani Victor na nakakuha ng malaking reaksiyon mula sa crowd na nanonood.

Agad naman ipinaliwanag naman ni Victor ang kanyang sarili.

"Sorry hindi ako naniniwala (sa marriage). Pero ayokong maging 'yung 'Ay! Hindi ako naniniwala sa institution ng marriage.' Hindi ako ganoon ka-plastic. Kasi wala lang talaga 'kong pera--wala akong pangkasal," pahayag niya.

"Hindi naman ako pupunta sa car dealership 'di ba? Tapos, 'Hindi ako naniniwala sa institusyon ng Lamborghini!'" dagdag pa niya.

Panoorin ang maikling bahagi ng kanyang routine.

🤫 #PinoySTANDUPComedy @comedymanila

A post shared by Victor Anastacio (@victoranastacio) on


Matatandaang isang host si Victor para sa isang home TV shopping network bago sumabak sa mainstream acting.

Mapapanood siya gabi-gabi sa inspiring GMA Telebabad series ng The Gift. Tunghayan ito Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Beautiful Justice.

BEHIND-THE-SCENES: Alden Richards, may 'puppy love' sa set ng 'The Gift'

BEHIND-THE-SCENES: Jo Berry, mala-reyna sa set ng 'The Gift'