What's on TV

'Victor Magtanggol,' gagawing pelikula?

Published November 8, 2018 3:43 PM PHT
Updated November 8, 2018 4:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DHSUD, UPLB eyeing new rental housing under Expanded 4PH
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News



Isang pasabog ang hatid ni veteran showbiz writer and manager Lolit Solis tungkol sa GMA Telebabad series na 'Victor Magtanggol.'

Isang pasabog ang hatid ni veteran showbiz writer and manager Lolit Solis tungkol sa GMA Telebabad series na Victor Magtanggol.

Ayon sa kanya, pinag-iisipan daw itong gawan ng isang pelikula.

"May maganda akong balita Salve. Dahil sa nakitang suporta ng fans sa Victor Magtanggol mukhang gustong gawin itong isang pelikula dahil mga bata ang mga viewers na nakuha nito," sulat niya sa kanyang Instagram account.

Bukod daw kasi sa suporta ng mga manonood, isang malaking factor din daw ang naging magandang samahan ng cast at crew nito.

"And nakita ng GMA ang naging parang pamilya na bonding ng casts na lahat ay naging close sa isa't isa kaya baka gawan ito ng book 2. Bongga ha, tototo nga sabi na love begets love, dahil sa ipinakitang pagmamahalan ng mga kasali sa team Victor Magtanggol parang ayaw itong mawala ng GMA, lalo pa nga at walang naging problema sa set, lahat nagbibigayan, walang nega kaya hayun pinag-iisipan gawan ng book 2," dagdag pa ni Nanay Lolit.

Hindi pa man daw ito kumpirmado pero hoping daw siya na matuloy ang proyekto.

"At sana nga matuloy iyon pelikula dahil matagal na rin hindi gumawa ng movie si Alden. Well like I say, dahil mabuti siyang tao, kaya mabuti din ang dumarating na biyaya. Go go go Victor Magtanggol," aniya.

Please embed: https://www.instagram.com/p/Bp6Euf4Hnj8/

May maganda akong balita Salve. Dahil sa nakitang suporta ng fans sa Victor Magtanggol mukhang gustong gawin itong isang pelikula dahil mga bata ang mga viewers na nakuha nito. And nakita ng GMA ang naging parang pamilya na bonding ng casts na lahat ay naging close sa isa't isa kaya baka gawan ito ng book 2. Bongga ha, tototo nga sabi na love begets love, dahil sa ipinakitang pagmamahalan ng mga kasali sa team Victor Magtanggol parang ayaw itong mawala ng GMA, lalo pa nga at walang naging problema sa set, lahat nagbibigayan, walang nega kaya hayun pinag-iisipan gawan ng book 2. At sana nga matuloy iyon pelikula dahil matagal na rin hindi gumawa ng movie si Alden. Well like I say, dahil mabuti siyang tao, kaya mabuti din ang dumarating na biyaya. Go go go Victor Magtanggol. #instatalk #71naako #lolitkulit

Isang post na ibinahagi ni LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) noong

Patuloy na panoorin ang Victor Magtanggol, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.