GMA Logo Victor Neri
PHOTO SOURCE: Sarap, 'Di Ba?
What's on TV

Victor Neri, may pinagsisihan bang proyekto sa showbiz?

By Maine Aquino
Published August 13, 2024 5:41 PM PHT
Updated August 13, 2024 6:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

No winners in major lotto games on Christmas Day – PCSO
Cop in CDO nabbed for indiscriminate firing on Christmas Day

Article Inside Page


Showbiz News

Victor Neri


Alamin ang sagot ni Victor Neri tungkol sa kaniyang showbiz career dito:

Inilahad ni Victor Neri kung may proyekto ba siyang pinagsisihan sa kaniyang showbiz career.

Si Victor ay unang nakilala sa showbiz noong '90s at hanggang ngayon isa pa rin sa mga hinahangaang aktor sa industriya.

Tanong kay Victor sa guesting niya sa Sarap, 'Di Ba?, "Meron ba kayong project na pinagsisihan ninyo na ginawa ninyo?"

Victor Neri

PHOTO SOURCE: Sarap, 'Di Ba?

"Wala," diretsong sagot ni Victor.

Ayon kay Victor, mula nang pumasok siya sa showbiz bilang aktor ay pinili niya nang husto ang kaniyang mga proyekto.

"Ever since I started, pagsimula pa lang namin, piling-pili lahat.

RELATED GALLERY: Victor Neri's transformation from teenybopper to action star


Dugtong pa niya, "Every project na ginagawa ko is a career decision na aabante yung career ko."

Bukod sa showbiz career ay proud na ibinahagi ni Victor sa guesting niyang ito ay ang paghahanda niya sa bar exam.

"Nagre-review na ako for the bar exam," ani Victor.

Nakilala rin si Victor sa culinary industry dahil siya ay naging isang chef.

Panoorin ang mga kuwento ni Victor dito: