GMA Logo Ruru Madrid and Yassi Pressman
What's Hot

'Video City' nina Ruru Madrid at Yassi Pressman, mapapanood na simula September 20

By Aaron Brennt Eusebio
Published August 14, 2023 5:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Bagyong Wilma as of 11 AM (Dec. 6, 2025) | GMA Integrated News
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid and Yassi Pressman


Narito na ang love story na babalik-balikan at uulit-ulitin mo! Let's travel back to 1995.

Simula September 20, mapapanood na sa mga sinehan sa buong bansa ang pelikulang pagsasamahan nina Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid at new face of Romance-Drama Yassi Pressman na Video City.

Ibinahagi na ng GMA Pictures at Viva Films ang official poster ng Video City, na sinulat at idinerehe ni Raynier Brizuela.

"Narito na ang love story na babalik balikan at uulit ulitin mo! Let's travel back to 1995," bahagi ng caption nito.

Umiikot ang kuwento ng Video City kay Han (Ruru), isang film student na nag-travel pabalik sa '90s kung saan niya nakilala si Ningning (Yassi), ang babaeng babago sa buhay niya.

Gustong maging filmmaker ni Han katulad ng kanyang inang isang renowned director. Ang problema lang ni Han ay wala siyang ganang tapusin ang kanyang thesis dahil bedridden na ang kanyang ina.

Para mag-unwind, pumasok si Han sa isang lumang internet cafe. Pagkatapos ng ilang sandali, bumalik sa '90s si Han kung saan naging branch na ng Video City ang lumang internet cafe.

Sa Video City, makikilala ni Han si Ningning, isang aspiring actress na naging dahilan kung bakit bumabalik-balik si Han sa nakaraan.

Mayroon kayang pag-asa ang pag-iibigan nina Han at Ningning lalo na't magkaiba ang panahon na ginagalawan nila?

Abangan ang Video City simula September 20 sa mga sinehan.