
Mga pelikula ng mga top Kapuso leading actors ang matutunghayan ngayong linggo sa digital channel na I Heart Movies.
Isa na riyan ang Video City na pinagbidahan ni primetime action hero Ruru Madrid.
Gaganap siya rito bilang aspiring filmmaker na naubusan na ng inspirasyon at drive para sa kanyang piniling sining.
Dahil sa isang mahiwagang tape rewinder, mapapadpad siya mula 2023 papunta sa taong 1995.
Makikilala niya rito ang isang babaeng nagtatrabaho sa video rental shop na babago sa kanyang buhay.
Abangan ang Video City, July 25, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Huwag ding palampasin ang pelikulang magpapakita ng isang espesyal na bahagi ng kulturang Pilipino.
Pagbibidahan ni Kapuso actor Rocco Nacino ang independent film na Balut Country. Gaganap siya rito bilang Jun, isang lalaking magmamana ng patuhan ng kaniyang ama.
Gustong ibenta ni Jun ang farm dahil malapit na itong malugi pero nagdadalawang isip din siya dahil ayaw niyang mawalan ng hanap-buhay ang mga trabahador ng kaniyang ama na matagal nang nagsisilbi rito.
Ano ang magiging desisyon ni Jun?
Abangan 'yan sa Balut Country, July 23, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available rin ito sa iba pang digital television receivers.