
Kinaaliwan ng fans ang offcam kulitan ng Sang'gre stars na sina Rhian Ramos, Sanya Lopez, Diana Zubiri, at Glaiza De Castro habang nasa taping.
Sa isang Facebook reel na uploaded ni Diana, todo bigay sina Rhian, Sanya, Diana, at Glaiza habang sinasayaw at sinasabayan ang kantang "That's The Way It Is."
"Who was the craziest," caption ni Diana sa kanyang post.
Sa behind-the-scenes ng reel na ito na ibinahagi naman ni Rhian sa kanyang Facebook page, tuwang-tuwa ang apat na aktres habang pinapanood ang ginawa nilang reel.
Sa comments section, aliw na aliw ang netizens sa kakulitan na ito nina Rhian, Sanya, Diana, at Glaiza, lalo na sa pa-bend ng "Pambansang Ashti."
Subaybayan sina Rhian, Sanya, Diana, at Glaiza sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, Lunes hanggang Biyernes, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Samantala, iboto ang Encantadia Chronicles: Sang'gre bilang Kapuso Primetime Drama Series of the Year sa GMANetwork.com Awards 2025 sa poll na ito.