
Second chance at love?
Viral sa TikTok ang kuwento ng isang rider na si Christian De Guzman ng isang ride-hailing app, dahil sa chance encounter niya sa kanyang ex-girlfriend.
Tampok ang sweet reunion na ito ni Christian at Ecca sa Facebook page ng GMA Integrated News.
Aba, sino ba ang mag-aakala na sa laki ng Metro Manila, ang mabo-book na pasahero ng rider ay ang dati niyang jowa.
Umabot na sa mahigit 6.8 million views sa TikTok ang video.
In-upload ni Christian ang naging kuwentuhan nila ng ex na si Ecca habang nasa biyahe. Sa isang bahagi ng video nagtanong si Ecca, “Ano 'to, I mean, hanggang morning ka nagwo-work?”
Sagot naman ng rider, “Morning… hanggang five ganun.”
Tugon uli ni Ecca, “Tagal mo na rin… Ba't ganun nabubulol ako? [laughs]
Natatawang hirit ni Christian, “Ibig sabihin in love ka pa rin sa akin [laughs].
Maraming netizens ang kilig na kilig sa video nila Christian at Ecca together.
Source: christiandeguzmannn (TikTok)
SAMANTALA, KILALANIN ANG CELEBRITY COUPLES NA NAGKABALIKAN:
@christiandeguzmannn EX KO NAKUHA KO BOOKING KAY JOYRIDE syempre naka @freedconnphilippines tayo para mas malinaw ang usapan #fyp #fypシ゚viral #joyride #freedconnintercomsph #joyridemctaxi #VIRAL #viralvideo #freedconnintercomsph ♬ Sa Dulo Ng Bahaghari - Steven Peregrina
@christiandeguzmannn Ex ko nakuha ko booking kay joyride 🥹 syempre naka @FreedConn Philippines para malinaw ang usapan kung gusto niyo ng episode sabihin niyo nalang kay @Ecca baka naman may pagasa pa sa buhay mo HAHAHAHA charroottt #freedconnintercomsph #viralvideo #VIRAL #joyridemctaxi #fypシ゚viral #fyp #viral #fyp #fypシ゚viral ♬ original sound - Christian De Guzman