
Benta sa mga netizens ang pagsayaw ng isang estudyante ng kantang "BBoom, BBoom" habang naghihintay sa opening ceremonies ng NCAA Season 94 at basketball game between San Beda and Perpetual sa MOA Arena last Saturday.
Ani ng nag-post ng video, "'Yung friend mong lumagok ng 1 gallon na energy drink! Nancy, kabahan ka na."
In case you're wondering who "Nancy" is, she's one of the more popular members of Momoland, the all-girl K-Pop group. Ang "BBoom, BBoom" naman ay kanta ng MOMOLAND na sumikat sa Pilipinas.
According to the video uploader, who goes by the name Jean Claude Catacutan, the guy dancing in the video is his classmate, Van Kurt RJ Francisco, or VK, for short. VK is a first year student taking up Business Administration Major in Marketing Management.
Umani naman ng paghanga mula sa mga netizens at kapwa Momoland fans ang walang humpay na pagsayaw ni VK sa MOA Arena, lalong lalo na't "on point" daw ang kanyang dance steps.
Kabisado ni VK ang steps, dahil ayon sa kanyang classmate, palagi niya itong sinasayaw sa classroom sa tuwing maririnig niya ang "BBoom BBoom" song.
For comparison, narito ang video ng choreography ng Momoland.
At this writing, the video, which was uploaded last Saturday night, now has more than 2 million views.