
Punong-puno ng saya at bonding ang set ng upcoming GMA Afternoon Prime series na Apoy sa Dugo.
Sa Instagram post ng content creator na si Fonz, ibinahagi niya ang isang nakakaaliw na singing video kasama sina Ashley Ortega, Elle Villanueva, Derrick Monasterio, at fellow content creator na si Toniyuh.
Makikita sa video na pinapahulaan ni Fonz kung sino sa Apoy sa Dugo cast ang kumakanta ng “Die On This Hill” ni Sienna Spiro, habang kunwari ay lahat sila ay bigay na bigay sa pagkanta.
“Medyo mahirap to guys a choose carefully,” sulat ni Fonz sa caption.
Maraming netizens ang nanghula sa comments section at nagbiro na hindi halatang si Fonz ang kumakanta. May ilan ding nagsabi na baka sina Ashley o Elle ang kumakanta sa video.
Isa sa mga bonding ng Apoy sa Dugo cast ang paggawa ng TikTok videos. Ilan sa mga naka-collab na ni Fonz mula sa cast ng serye ay sina Pinky Amador at Cai Cortez.
Kilala si Fonz bilang isang content creator na mahilig sa mga “unexpected twists” sa kanyang mga TikTok skits.
Mapapanood ang Apoy sa Dugo simula March 2 sa GMA.
Samantala, mas kilalanin pa dito ang content creator na si Fonz: