GMA Logo Widows War cast, Bea Alonzo, Carla Abellana
What's on TV

Viewers at netizens, pinuri ang cast ng Widows' War

By EJ Chua
Published July 6, 2024 6:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

Widows War cast, Bea Alonzo, Carla Abellana


Unang linggo pa lang pero napahanga na kaagad ng 'Widows' War' cast ang mga manonood.

Mabibigat na mga eksena ang bumungad sa viewers at mga nag-abang sa pagsisimula ng murder mystery drama na Widows' War.

Ilang eksena ang talaga namang tumatak kaagad sa mga manonood na hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin online.

Isa na rito ang nangyaring kaguluhan sa loob ng isa sa mga mansyon ng Palacios family.

Nitong Biyernes, July 5, labis na ikinagulat ni Sam (Bea Alonzo) ang sunod-sunod na away at sagutan ng ilang miyembro ng bagong pamilyang kinabibilangan niya.

Harap-harapan niya ring nasaksihan ang matinding pagwawala ng kanyang asawa na si Paco (Rafael Rosell) dahil sa galit.

Ilan sa mga naging parte ng mga eksenang ito ay sina Bea Alonzo, Carla Abellana, Tonton Gutierrez, Lito Pimentel, Jean Garcia, Benjamin Alves, at Rafael Rosell.

Lubos na humanga ang viewers at netizens sa mga nabanggit na eksena pati na rin sa acting skills ng mga aktor na nabanggit.

Narito ang reaksyon at komento ng viewers at netizens sa katatapos lang na episode ng serye:

Samantala, mapapanood ang Widows' War tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.

Related Gallery: Mysterious highlights of the 'Widows' War' media conference