GMA Logo christmas ornaments and csid snippet
What's Hot

Viewers, excited nang mapanood ang GMA Christmas Station ID 2024

By EJ Chua
Published November 8, 2024 1:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
US State Department expands visa restriction policy in Western Hemisphere
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

christmas ornaments and csid snippet


Abangan ang 2024 Christmas Station ID ng GMA Network!

Malapit nang mapanood sa telebisyon at online ang 2024 GMA Christmas Station ID.

Sa inilabas na teaser nitong Huwebes ng gabi, November 7, agad na bumuhos ang positive reactions para sa upcoming station ID.

Inilahad dito ng pahapyaw tungkol sa tema ng bagong station ID, “Mapupuno ng pasasalamat ang ating Pasko, mga Kapuso.”

Napakaraming viewers ang talaga namang excited nang mapanood ang inihanda ng Kapuso Network.

Ilang sa kanila ay tila hindi na umano makapaghintay para rito.

Mayroon ding mga nag-comment na sunud-sunod umano ang pasabog ng GMA at inaabangan nila kung ano ang bagong tema ng station ID.

Ang ibang viewers naman ay sabik na sabik nang makita at mapanood ang Kapuso artists na matagal na nilang iniidolo.


Huwag palampasin ang pinakaaabangang Christmas Station ID, malapit nang mapanood sa GMA.

Related gallery: GMA Network 2023 Christmas Station ID '#FeelingBlessedNgayongPasko'