What's on TV

Villa Quintana cast's most embarrassing moments: Butas na swimsuit, manlilibreng walang pera at "invisible door"

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 3, 2020 10:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kris Aquino tells followers: ‘I’m alive because of your prayers’
Farm To Table: May masarap na ihahain ngayong Linggo!
Aye The Anchor On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News



Kahit mga artista, may mga nakakahiyang kuwento rin. 
Sa ginanap na GMANetwork.com live chat ng Villa Quintana, ikinuwento nina Elmo Magalona, Janine Gutierrez, Juancho Trivino, Rita de Guzman at Mikoy Morales ang kanilang most embarrassing moments.

 
Elmo Magalona

'Yon ‘yung nagshu-shoot tayo ng debut (scene). Tapos di ba standby pa tayo? Di ba may malalapit na kainan doon? Sabi ko, ‘Sige ako na ang bibili. Ako na ang bahala sa inyo…Ako na ang bibili ng pagkain para sa lahat.’ Pagtingin ko ng wallet ko, nagbilang pa ako. Parang okay, kasya ba 'to? Tapos puro 50 pesos lang pala (ang) laman ng wallet ko! Hindi ko alam ang gagawin ko. Buti na lang sinalo ako ni Kuya Paolo (Contis). Pero bumili naman ako ng cake, ‘yung cheesecake. Bumawi naman ako.
 
Janine Gutierrez

Dati noong bata ako, pero hindi na gaanong bata siguro mga 12 na 'ko, lagi kaming nasa Subic. Tapos 'yung bathing suit ko, alam nyo 'yung uso dati na turtle neck na one piece na kunwari eh pro swimmer ka? Ganoon. Tapos mayroong slide na malaki tapos katabi ng slide 'yung stairs. Tapos slide ako nang slide. Every time na paakyat ako ng stairs, may mga tumatawa na bata. Tapos parang nagtataka ako. Tapos 'yun pala the whole time, buong hapon may butas pala 'yung bathing suit ko sa puwet! Kaya pala mahangin! Feel na feel ko pa di ba?
 
Juancho Trivino

Jumebs ako sa CR tapos sobrang baho. Eh noong time na 'yon naghihintay si Rhen (Escaño) sa labas kasi magsi-CR din siya. Akala ko aalis kapag tinagalan ko. So tinagalan ko, nagte-text lang ako roon. Tapos napansin ko na wala nang nagsasalita. So kapag wala nang nagsasalita tatakbo na ako nang mabilis! Tapos paglabas ko naroon siya! Pero siyempre wala nang amoy kasi matagal ako roon. Ang nangyari, naghintay siya nang matagal doon. So alam na alam niya na may ginagawa ako sa CR!
 
Rita de Guzman

Ito grabe talaga. Eh di nagmu-musical show ako sa EK (Enchanted Kingdom). Sa opening may stairs. Basta hindi ko alam ang nangyari sa 'kin kasi almost five years ko na ginagawa ‘yon. Basta matagal na 'to siguro mga 16 years old ako. So ako 'yung sa harapan, bababa ako sa stairs. Pagbabang-pagbaba ko, pak! Bumuka! Tumaas 'yung legs ko! Nadulas ako. Tapos talagang nakakaasar kasi mayroong lalaki sa harapan ko na super laki ng katawan, hindi niya ako tinulungan. 'Yung tumulong pa sa 'kin eh 'yung nasa likod niya na super liit na mama!
 
Mikoy Morales

Noong maliit ako, pumunta kami sa isang family gathering. Tapos ang venue namin katabi ng dining, 'yung garden sa labas. Tapos may wall na glass sa pagitan nila saka 'yung pintuan niya eh glass. Tapos nakita ko 'yung tito ko sa labas. Tumakbo ako tapos pagtakbo ko naumpog ako sa salamin! Tapos alam mo 'yung feeling na lahat ng guests nakatingin lahat sa 'yo? Tapos on the spot pinagalitan pa ako ng nanay ko!
 

Na-imagine ba ninyo ang kanilang most embarrassing moments?

Catch more of Elmo Magalona, Janine Gutierrez, Juancho Trivino, Rita de Guzman and Mikoy Morales on Villa Quintana, weekdays after Eat Bulaga on GMA Afternoon Prime.

- Text by Al Kendrick Noguera, GMANetwork.com