
Naging emosyonal ang actress-politician na si Vilma Santos-Recto nang bumisita ngayong Sabado, October 21, sa It's Your Lucky Day.
Napuno ng hiyawan ng studio nang ipakilala ni Luis Manzano ang kanyang mommy na tinaguriang Star for All Seasons.
Nagbigay din ng mensahe ang award-winning actress at binigyan pugay ang lahat ng bumubuo sa show.
Kasama ni Luis sa opening sina Bianca Umali, Jennica Garcia, Shaina Magdayao, Petite, Tetay, at Andrea Brillantes.
“I'd like to commend all of you, of course, anak (Luis Manzano), at lahat-lahat kayo ng It's Your Lucky Day family. I'd like to commend them,” maluha-luhang sabi ni si Mayor Vilma.
“Kasi sa ating mga artista, akala n'yo ba madali po 'yung sabihin na 'we are offering you pero 12 days lang na show.'”
“Hindi ho madali 'yun. Pero itong It's Your Lucky Day tinanggap nila, dahil hindi ho sila selfish.”
Dagdag ni Vilma, “Kasi, 12 days ipapasok lang sila dahil alam naman natin 'yung kaganapan pero selfless sila. Kasi gusto nilang ituloy pa rin 'yung entertainment at 'yung pupuwedeng suwerteng ibigay pa sa mga tao.
“Pero sa totoo lang po pinakita po nila na hindi sila makasarili. Gusto lamang nila ituloy 'yung entertainment at ibigay 'yung mga makakatulong pa sa mga kababayan natin.”
MEET THE ADORABLE APO OF VILMA SANTOS-RECTO: