
Kabilang sina Vin Abrenica at Sophie Albert sa celebrity couples na dumalo sa GMA Gala 2023 na idinaos noong nakaraang Sabado, July 22.
Suot ang kanilang elegant formal outfits, sabay na naglakad sa red carpet sina Vin at Sophie.
Lalong lumutang ang kakisigan ni Vin nang dumating siya sa GMA Gala suot ang kanyang white suit.
Kapansin-pansin naman na isang glowing mom ang asawa ng aktor at The Missing Husband actress na si Sophie suot ang kanyang light pink gown.
Sa bagong vlog ng couple sa kanilang YouTube channel na Vin & Sophie, mapapanood ang ilang clips, kung saan ibinahagi nila ang kanilang preparation para sa katatapos lang na big Kapuso event.
Sa unang parte ng vlog, mapapanood muna ang family bonding moments nila kasama ang kanilang baby girl na si Avianna.
Kasunod ng clips tungkol dito ay ipinakita na ang “getting ready” videos ng couple.
Patuloy na hinahangaan ng napakaraming netizens ang Kapuso couple dahil sa pagiging sweet nila sa isa't isa at sa pagiging hands on at loving parents nila sa kanilang anak.
Narito ang ilang comments ng kanilang subscribers:
Samantala, ikinasal sina Vin at Sophie noong January 25, 2023, sa National Shrine of Mary Help of Christians sa Parañaque City.
Ginanap naman ang kanilang garden wedding ceremony noong January 28.
SILIPIN ANG GARDEN WEDDING CEREMONY NINA VIN ABRENICA AT SOPHIE ALBERT SA GALLERY SA IBABA: