
Marami ang naaliw sa #UrdujaHinala episode ng mega seryeng Mga Lihim ni Urduja noong Biyernes, March 10.
Napanood sa episode na ito ang nakatutuwang eksena ng dalawang bounty hunters na sina Ryker (Kristoffer Martin) at Onyx (Vin Abrenica) na ikinagulat ng mga manonood.
Bago nila kalabanin ang mga tauhan ni Chairman Marcel (Zoren Legaspi) ay inilapat ni Onyx ang kaniyang kamay upang hingin ang baril kay Ryker ngunit imbes na ibigay nito ang hinihingi ay dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ni Onyx.
Umani naman ito ng samot-saring reaksyon at komento mula sa netizens.
Sino na talaga ang may Lihim , Si Urduja paba o sina ONYX at RYKER talaga? #MgaLihimNiUrduja #RyNyx
-- KB Mulawin - KHELO 🐽🦄 (@khelo_po) March 11, 2023
ctto pic.twitter.com/CIL9YgEWrq
Samantala, isa pang kinaaliwan ng mga Kapuso viewers ay ang pagtahol ni Valencia (Arra San Agustin) sa kaniyang female bounty hunter na si Freya (Michelle Dee).
Habang nakagapos silang dalawa kasama nina Ryker at Kenzo (Pancho Magno) ay biglang tumahol si Valencia na parang isang asong galit.
Nag-viral ang eksenang ito na mayroon nang 227,000 views at halos 14,000 likes sa TikTok.
@gmanetwork 'Yung dog lover crush mo. ARF! ARF! #mgalihimniurduja #arrasanagustin ♬ original sound - GMA Network
Abangan ang iba pang nakakaaliw na eksena ng bounty hunters sa Mga Lihim ni Urduja 8:00 p.m., sa GMA Telebabad.
BASAHIN ANG POSITIVE FEEDBACK NG MGA MANONOOD SA MYTHICAL PRIMETIME MEGA SERYE NA MGA LIHIM NI URDUJA SA GALLERY NA ITO: