GMA Logo vin abrenica and kylie padilla
What's on TV

Vin Abrenica at Kylie Padilla, nagkailangan ba sa taping ng 'Mga Lihim ni Urduja'?

By Jimboy Napoles
Published February 16, 2023 2:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Senate to take up anti-political dynasty, LEDAC measures upon resuming session
Marina Summers is grateful to have hosted MUPH 2026
Farm to Table: (May 3, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

vin abrenica and kylie padilla


Kumusta kaya ang pagsasama sa trabaho nina Vin Abrenica at former sister-in-law niyang si Kylie Padilla sa set ng 'Mga Lihim ni Urduja'?

Game na humarap ang hunk actor na si Vin Abrenica sa isang panayam kasama ang batikang host na si Boy Abunda sa programa nito na Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, February 15.

Lingid sa kaalaman ng publiko, malapit sa pamilya Abrenica si Boy kung kaya't naging magaan ang kumustahan nila ni Vin.

Bukod sa kanyang pagiging bagong kasal sa misis niya na si Sophie Albert at kanyang pagiging hands-on dad, isa pa sa kanilang napag-usapan ay ang kapatid ni Vin na si Aljur Abrenica, na kamakailan lang ay tila ginawa nang opisyal ang relasyon sa rumored girlfriend at sexy actress na si AJ Raval.

Nang hingan ni Boy ng reaksyon si Vin tungkol dito, sinabi ng aktor na masaya siya para sa kanyang kuya at suportado niya ito kung saan ito masaya.

Aniya, “Honestly, nung nakita ko na yun, I'm happy.”

Sa kasalukuyan naman ay katrabaho ni Vin sa kanyang bagong kapuso show na Mga Lihim ni Urduja, ang estranged wife ni Aljur na si Kylie Padilla.

Pero taliwas sa inaakala ng marami, ibinahagi niyang maayos ang relasyon nila ng kanyang former sister-in-law na si Kylie.

“We are super close,” ani Vin tungkol kay Kylie.

Paglilinaw pa ng aktor, wala silang naramdamang anumang ilangan ni Kylie.

Ibinahagi rin niya ang maganda ang samahan nila ng aktres mula simula hanggang ngayon. Kuwento niya, “To get you a glimpse of how me and Kylie, how our relationship is, we bring our children sa mall to play.”

Nabanggit din niya na may panahong nakatira siya sa bahay ng kanyang kuya Aljur kaya nakasama na niya si Kylie sa iisang tahanan. Kaya naman nang maghiwalay sina Aljur at Kylie ay inamin niyang talagang nasaktan siya.

Aniya, “So, kung anuman ang nangyari sa kanila, I got so hurt. I got so affected.”

Mariin namang sinabi ni Vin na labas siya sa isyu nina Kylie at kanyang Kuya Aljur.

“Kung anuman ang nangyari sa kanila, wala kaming ilangan ni Kylie. We are so close,” ani Vin.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

BALIKAN NAMAN ANG GARDEN WEDDING NINA VIN ABRENICA AT MISIS NA SI SOPHIE ALBERT SA GALLERY NA ITO: