GMA Logo Vin Abrenica, Mark Herras, and Maui Taylor in Tadhana Kasalanan
Source: herrasmarkangeloofficial, therealmauitaylor and vinabrenica Instagram
What's on TV

Vin Abrenica, Mark Herras, at Maui Taylor, magkakasala sa simbahan sa 'Tadhana: Kasalanan' finale

By Bianca Geli
Published January 15, 2022 12:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Vin Abrenica, Mark Herras, and Maui Taylor in Tadhana Kasalanan


Kasalanan ng isang pari at misis ang handog ng Tadhana: Kasalanan, tampok sina Vin Abrenica at Maui Taylor.

Sa Tadhana: Kasalanan, mapapanood ang kuwento ng maybahay na si Vivian (Maui Taylor) at ang ex-boyfriend niyang naging pari, si Father Edgar (Vin Abrenica).

Buong akala ni Vivian ay maitatago niya ang relasyon nila ni Father Edgar mula sa asawa niyang si Arthur (Mark Herras), isang OFW. Pero tila pinaparusahan sila ng langit nang magbunga ang kanilang lihim na relasyon ng isang supling!

Ngayong nagbalik na sa Pilipinas si Arthur, gagawin ni Vivian ang lahat ng kasinungalingan upang maitago ang kanyang anak. Pero ang kanilang kasalanan, unti-unti nang mabubunyag! Matanggap at mapatawad kaya ni Arthur ang malaking kataksilan nina Vivian at Father Edgar?

Huwag palampasin ang kuwento at natatanging pagganap nina Vin Abrenica, Maui Taylor, at Mark Herras, kasama sina Ella Cristofani, Kim de Leon, Crystal Paras, at Bryan Benedict.

Samahan si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa Tadhana: Kasalanan the Finale ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7!