
Inamin ng aktor na si Vin Abrenica sa Fast Talk with Boy Abunda na masaya siya sa kung ano man ang mayroon sa kapatid na si Aljur Abrenica at sexy actress na si Aj Raval.
Sa panayam ng batikang host na si Boy Abunda kay Vin, isa sa kanilang napag-usapan ay ang mga larawan na ibinahagi nina Aljur at Aj kahapon, kasabay ng Valentine's day, kung saan tila nagpapahiwatig ng pag-amin ng dalawa sa kanilang relasyon.
Ayon kay Vin, masaya siya nang makita ang sweet posts na ito sa Instagram ng dalawa.
Aniya, “Honestly nung nakita ko na yun, I'm happy.”
Paglilinaw naman ni Vin, natutuwa siya dahil alam niya ang bigat na pinagdaraanan ng kanyang kapatid na si Aljur kung kaya't nakaramdam siya ng saya sa post ng kanyang kuya.
Kuwento niya, “Kasi, oh my God, Tito Boy, sino bang nakakaalam ng lahat ng mga nangyayari sa kanya ngayon with all the stress, na binabato sa kanya ng buong Pilipinas, ng buong mundo, nakikita ko, he is my brother, he is broken now.”
Agad naman na hinimay ni Boy ang naging pahayag ni Vin tungkol sa sitwasyon ngayon ni Aljur.
“What do you mean he is broken?” tanong ni Boy.
Sagot naman ni Vin, “I mean, Tito Boy, hindi naman madali lumabas ng bahay na alam mong lahat ng tao sa buong mundo galit sa'yo.
“Everybody getting mad at him, 'Sana mangyari sa'yo 'to, sana mangayari sa'yo 'yung ganyan,' that is not nice, he is also my brother tao lang din siya like all of us.”
Ibinahagi din ni Vin na nasasaktan din siya dahil sa masasamang salita at pagtingin ng mga tao kay Aljur.
Aniya, “Bilang kapatid niya nakikita ko na nangyayari sa kanya lahat ng 'yan and he's trying to be strong. I see that, I see it through him and it breaks my heart.”
Aminado rin ang aktor na pati siya ay apektado ng isyu ng kanyang kapatid lalo na sa kanyang pag-aasawa.
“Inaamin ko naman kahit naman ako nadadamay ako. I just got married and all of the comments na sinasabi, 'Maghihiwalay din kayo.' It's so painful, Tito Boy,” ani Vin.
Samantala, mapapanood naman si Vin sa upcoming mega serye na Mga Lihim ni Urduja.
Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
BALIKAN NAMAN ANG GARDEN WEDDING NINA VIN ABRENICA AT MISIS NA SI SOPHIE ALBERT SA GALLERY NA ITO: