
Hindi nakaligtas si Aljur Abrenica sa panunukso ng kapatid at kapwa actor na si Vin Abrenica.
Gumawa kasi ng parody si Vin ng viral singing videos ni Aljur.
Sa isang maikling video na ibinahagi ni Vin sa kaniyang social media accounts, makikitang nakatayo siya sa isang balkonahe at nakaharap sa isang view na binabalot ng fog.
Dito niya kinanta ang parang huni ng ibon na intro part ng kantang "Past Lives" ng musical artist na si sapientdream.
"Abrenica 2.0," sulat niya sa caption ng kaniyang post sa TikTok.
@itsvinabrenica Abrenica 2.0
♬ original sound - Vin Abrenica
Matatandaang naging viral ang mga singing videos ni Aljur kabilang ang cover niya ng "Past Lives".
Naging patok ito sa mga netizens na gumawa ng sari-sarili nilang versions ng paggaya sa aktor na nakaupo at nakasuot ng black long sleeve shirt habang kumakanta sa harap ng isang microphone.
Patuloy na gumagawa ng singing videos si si Aljur kung saan kino-cover niya ang mga awit tulad ng "She Will Be Loved" ng Maroon 5, "Love Will Keep Us Alive" ng Eagles, "I Live My Life For You" ng Firehouse, at marami pang iba.
RELATED GALLERY: THE BEAUTIFUL FAMILY OF VIN ABRENICA AND SOPHIE ALBERT