GMA Logo Vin Abrenica, Sophie Albert
Celebrity Life

Vin Abrenica, Sophie Albert, green flag, ayon sa netizens

By EJ Chua
Published November 22, 2024 9:58 AM PHT
Updated November 22, 2024 9:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Easterlies magadala sang lapta-lapta nga pag-ulan sa Western Visayas kag Negros| One Western Visayas
How to safely package, transport, and light firecrackers
The fruits to have for Media Noche so you'll attract a prosperous 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Vin Abrenica, Sophie Albert


Family goals sina Vin Abrenica, Sophie Albert, at kids sa kanilang vlogs!

Maraming fans at netizens ang talaga namang nakasubaybay sa family life nina Vin Abrenica at Sophie Albert.

Patuloy na umaani ng papuri ang celebrity couple mula sa mga taong itinuturing na inspirasyon ang kanilang relasyon at pati na rin ang kanilang pamilya.

Sa latest vlog nina Vin at Sophie sa YouTube, masaya nilang ipinakilala ang bagong miyembro ng kanilang growing family na si baby Amara Kristina.

Mapapanood din sa video ang ilang mga naging kaganapan habang sila ay nasa ospital.

Isa sa mga kinagiliwan ng netizens ay ang pagiging sweet ng panganay na anak nina Vin at Sophie na si Avianna o Ava.

Kita rin sa vlog ang cuteness ni Ava habang tinitingnan at kinukunan niya ng picture ang kanyang bunsong kapatid.

Sa comments section, mababasa ang positive comments ng netizens tungkol sa pagiging natural at pagkakaroon nina Vin at Sophie ng masayang pamilya.

Ayon sa ilang netizens, green flag daw si Vin bilang asawa kay Sophie at daddy sa kanilang dalawang prinsesa.

Bukod pa rito, marami rin ang humanga sa pagiging loving wife at mom ni Sophie.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 165,000 views at 5,600 likes ang birth journey vlog ng showbiz couple na mapapanood sa kanilang YouTube channel.

Matatandaang naganap ang church wedding ceremony nina Vin at Sophie noong January 25, 2023, at sinundan naman ito ng garden wedding nila noong January 28 sa parehong taon.

Related gallery: LOOK: Vin Abrenica and Sophie Albert's garden wedding