
Proud ang mga bida ng upcoming GMA Afternoon Prime series na Cruz vs. Cruz na sina Vina Morales at Gladys Reyes sa kanilang mga anak na si Christophe at Ceana.
Sa pagbisita nina Vina at Gladys sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, July 17, kinamusta ni King of Talk Boy Abunda ang anak nila.
Tanong ng batikang host kay Gladys, “Si Christophe, pwede na bang mag-girlfriend? Meron na?”
Sagot ni Gladys, “Alam ko may inspirasyon, yes.”
Pag-amin ni Gladys, alam naman niyang inevitable na magpakilala si Christophe ng girlfriend balang araw. Ngunit ang gusto lamang niya ay matapos muna ng anak ang pag-aaral, bagay na alam niyang priority din naman ni Christophe.
“'Yung music career niya, siyempre, he's a singer-songwriter, he just launched an EP, and sa akin, nakikita ko, wala akong problema kay Christophe, Tito Boy. Napaka disiplinadong bata,” sabi ni Gladys.
Tinanong din ng batikang host si Vina tungkol sa anak niyang si Ceana. Aniya, ngayong 16 years old na ang kanyang anak, papayagan na kaya niya ito mag-artista?
Sagot ni Vina, “For now, siguro, huwag muna, Tito Boy. Kasi for now, she's doing good in school. Minsan nagpi-first honor siya so I'm really proud of her.”
Abangan ang world premiere ng Cruz vs. Cruz, July 21, sa GMA Afternoon Prime.
Panoorin ang panayam nina Vina at Gladys dito:
TINGNAN ANG MGA ARTISTAHING ANAK NG CELEBRITIES SA GALLERY NA ITO: