GMA Logo vina morales and gladys reyes
PHOTO COURTESY: vina_morales (Instagram)
What's on TV

Vina Morales at Gladys Reyes, nagkuwento tungkol sa nakasalamuha nilang young actors

By Dianne Mariano
Published July 17, 2025 7:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bicam defers DPWH budget talks, proceeds with other agencies
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

vina morales and gladys reyes


Nagkaroon na ba sina 'Cruz vs. Cruz' stars Vina Morales at Gladys Reyes ng hindi magandang karanasan mula sa young artists?

Bumisita at nakapanayam ng King of Talk na si Boy Abunda ang lead stars ng upcoming GMA Afternoon Prime series na Cruz vs. Cruz na sina Vina Morales at Gladys Reyes sa programang Fast Talk with Boy Abunda ngayong Huwebes (July 17).

Kabilang sa mga naitanong sa dalawang batikang aktres ay tungkol sa young generation ng mga artista.

“Meron na ba kayong mga nakasalubong na mga batang artista na medyo hindi maayos ang kilos sa inyong harapan?” tanong ni Boy.

Unang sumagot si Vina at sinabi, “Meron minsan pero hindi naiiwasan. But then, pinagsabihan sila na they have to say 'Hi' first. Kasi, hindi mo rin maiwasan kasi akala nila... nahihiya lang din sila, e, nahihiya lang baka hindi pansinin.

“But then, dapat kasi kapag baguhan ka, ikaw 'yung gumagawa ng paraan, ikaw 'yung nagbibigay-pugay.”

Pinuri naman ni Gladys ang young cast ng hit youth-oriented show ng GMA Public Affairs na MAKA dahil sa pagiging marespeto at disiplinado ng mga ito.

“I'm very blessed, Tito Boy. I'm working with the MAKA Squad ngayon, 'yung mga bata, new breed of actors sa MAKA. Napaka-blessed ko kasi talagang marerespeto ang mga batang ito at mahuhusay din sila sa murang edad, at madidisiplina rin sila, Tito Boy," pagbabahagi niya.

Dagdag pa ni Gladys, labis ang kanyang pasasalamat na makatrabaho ang MAKA cast dahil sa pagiging respectful ng mga ito.

RELATED GALLERY: Cast of upcoming GMA drama series na 'Cruz vs. Cruz'

Abangan ang world premiere ng Cruz vs. Cruz sa July 21 sa GMA Afternoon Prime.