
Nakatanggap ng sorpresa ang batikang actress na si Vina Morales mula sa kanyang co-stars at production team ng Cruz vs. Cruz.
Sa video na ibinahagi ni Neil Ryan Sese sa Instagram, kitang-kita ang tuwa ng actress nang bigyan siya ng flower bouquet habang kinakantahan ng happy birthday song.
Bukod dito, pinaghandaan din siya ng kanyang Cruz vs. Cruz family. Present sa naganap ng birthday surprise ang kanyang co-stars na sina Neil, Gladys Reyes, Lexi Gonzales, Kristoffer Martin, Elijah Alejo, Caprice Cayetano, at Jennie Gabriel.
Kasalukuyang nasa Bali, Indonesia ang seasoned actress at singer para sa kanyang kaarawan.
Bago pa ito, nagkaroon siya ng advance birthday dinner kasama ang kanyang pamilya sa isang luxury hotel sa Makati.
Samantala, subaybayan ang Cruz vs. Cruz tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.
RELATED GALLERY: Vina Morales is an ageless beauty