GMA Logo vina morales and gladys reyes
Source: vina_morales/IG, iamgladysreyes/IG
What's on TV

Vina Morales, Gladys Reyes, nagkuwento tungkol sa kanilang love life

By Kristian Eric Javier
Published July 18, 2025 6:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rollback in pump prices seen Christmas week
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

vina morales and gladys reyes


Kamustahin ang buhay pag-ibig ngayon nina Vina Morales at Gladys Reyes dito:

Nagbahagi ng kanilang mga buhay pag-ibig ang mga bida ng upcoming GMA Afternoon Prime series na Cruz VS Cruz na sina Vina Morales at Gladys Reyes.

Sa pagbisita ng dalawang aktres sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, July 17, tinanong ni King of Talk Boy Abunda si Gladys kung pinili ba ng asawa nitong si Christopher Roxas tumigil s showbiz para maghanap ng tahimik na buhay.

Sagot ni Gladys, “It's more of pinili niyang mag-lie low dahil gusto niyang magnegosyo.”

Dahil napag-usapan na rin nila ang tungkol sa mga nang-aakit at inaakit, natanong ng batikang host si Gladys kung hindi ba naiiwasan ang umaaligid sa asawa niya.

Saad ng aktres, “Oh, yes. Lagi niyang sinasabi na minsan na siyang kumbaga lumakad sa -- lalo na nu'ng kami ay mag-boyfriend at girlfriend pa lamang, siyempre, maraming mga talagang tukso.”

Pag-amin pa ng aktres, kahit hanggang ngayon ay maraming tukso sa kaniyang asawa. Kaya naman, malaki rin umano ang pasasalamat ni Christopher na hindi siya madaling matukso. Ngunit kahit ganu'n, meron pa rin umanong susubok at susubok.

“Nakikita mo ngayon, Tito Boy, nagte-trending 'yung ating interview kasi nga, dapat, hangga't maaari, 'wag nating bigyan ng rason ang ating asawa para matukso. Sabi ko nga, ibmis na pantulog, panggising ang isuot mo,” sabi ni Gladys.

KILALANIN ANG MGA BIDA NG CRUZ VS CRUZ SA GALLERY NA ITO:

Samantala, kinamusta rin ni Boy ang long-distance relationship naman ni Vina. Hindi naman nagbigay pa ng detalye ang batikang host, o ang singer-actress, pero ayon kay Vina, hindi niya kinaya ang LDR.

“Mahirap talaga. 'Yung sa iba naman, it would work siguro. Pero para sa akin, karamihan na LDR na relationship ko, it didn't work out, so I guess, it's not for me. But then... well, wala talaga, e. Mahirap ipilit 'yung hindi para sa'yo,” sabi ni Vina.

May paliwanag din siya sa viral photo nila ng aktor na si Jake Ejercito. Pagbabahagi ni Vina, nagkatrabaho lang sila sa isang show at nangampanya. Nilinaw din niyang isang mabuting kaibigan lang si ang aktor.
LINK:

Tanong naman ni Boy, “Are you open to getting into a relationship with someone younger?”

“Younger, o 'di ba, nag-work out naman sa 'yo? Well, ako, ayokong magsalita nang tapos, but I don't know. If there's someone…” sagot ni Vina sabay tingin kay Gladys.

Panoorin ang panayam nina Vina at Gladys dito: