GMA Logo Vina Morales, Gladys Reyes, Neil Ryan Sese
Source: Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Vina Morales, Gladys Reyes, Neil Ryan Sese, may mga mensahe sa karakter nila sa 'Cruz vs. Cruz'

By Kristian Eric Javier
Published January 14, 2026 2:58 PM PHT
Updated January 14, 2026 2:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

CIDG: 15 of 18 accused in missing sabungero case now under custody
'Tigkiliwi' joins prestigious Fantasporto 2026 film festival in Portugal
Byron Garcia's plaint vs Cebu guv in alleged SWAT uniform junked

Article Inside Page


Showbiz News

Vina Morales, Gladys Reyes, Neil Ryan Sese


Alamin ang huling mensahe nina Vina Morales, Gladys Reyes, at Neil Ryan Sese sa kani-kanilang mga karakter sa 'Cruz vs. Cruz.'

Sa nalalapit na pagtatapos ng GMA Afternoon Prime series na Cruz vs. Cruz, aminado ang mga bida nitong sina Vina Morales, Gladys Reyes, at Neil Ryan Sese na nagkaka-sepanx o separation anxiety na sila.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, January 13, sinabi ng tatlong bida na ang sepanx na nararamdaman nila ay dahil na rin sa nabuo nilang pamilya sa serye. Ngunit sa kabila nito, marami pa umanong dapat abangan sa kanilang mga kwento.

“Ito na nga, medyo nalulungkot na kami kasi katapusan na talaga on January 17, that would be on Saturday, 2:30 p.m. But ito talaga, kasi marami pa talaga,” sabi ni Vina.

Kaya naman, bago pa matapos ang serye ay nag-iwan na ng mensahe ang tatlong bida sa kani-kanilang mga karakter.

Pinasalamatan ni Vina ang karakter niyang si Felma Ruiz para sa oportunidad na magampanan ang role nito sa serye.

“Napakabuti mong ina, napakabuti mong asawa ngayon, napakabuti mong kaibigan. Ikaw ay ginagawa lahat para sa pamilya mo. Isa kang talagang may mabuting puso, maski ano ang pinagdaanan mo sa buhay. And you are a survivor. That's why talagang isang karangalan na magampanan ko ikaw, Felma Ruiz,” sabi ni Vina.

BALIKAN ANG NAGANAP SA GRAND MEDIA DAY NG 'CRUZ VS. CRUZ' SA GALLERY NA ITO:

Nagpasalamat din si Neil sa kanyang karakter na si Manuel Cruz at sa pagkakataong magampanan ang role na ito. Pagbabahagi pa ng aktor, marami siyang natutunan bilang isang aktor mula sa pagganap sa papel ni Manuel.

“Mas napadali sa akin ang umiyak at naging mas mabuti akong ama dahil may mga leksyon na natutunan ako sa character mo. Maraming, maraming salamat,” sabi ni Neil.

Pinatibay naman ni Gladys ang loob ng karakter na si Hazel Capistrano-Cruz na alam umano niyang maraming galit. Sa kabila nito, ayon sa aktres, ay mananatili siya para suportahan ang karakter.

“Hangga't narito ako, kahit isa lang na nakakaunawa sa'yo dahil alam ko namang isa ka ring ina at nagmamahal ka lang, kaya ipinaglalaban mo hanggang kamatayan ang pagmamahal mo sa taong mahal mo,” sabi ni Gladys.

Patuloy na subaybayan ang huling linggo ng Cruz vs. Cruz, 3:20 p.m., at sa oras na 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Panoorin ang panayam kina Vina, Neil, at Gladys dito: