GMA Logo Vina Morales, Gladys Reyes
PHOTO COURTESY: @iamgladysreyes (Instagram)
What's on TV

Vina Morales, Gladys Reyes, thankful at overwhelmed sa pinagbidahang serye na 'Cruz vs. Cruz'

By Dianne Mariano
Published January 13, 2026 6:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dagan sa Panahon karong Adlawa December 13, 2026 | Balitang Bisdak
Marcos pitches data center project to UAE's DAMAC Digital
FPJ Sa G! Flicks: 'Asedillo' | Teaser

Article Inside Page


Showbiz News

Vina Morales, Gladys Reyes


Grateful sina Vina Morales at Gladys Reyes dahil sa oportunidad na bumida sa GMA Afternoon Prime series na 'Cruz vs. Cruz.'

Labis ang pasasalamat nina Vina Morales at Gladys Reyes sa pagkakataon na bumida sa hit family drama series na Cruz vs. Cruz.

Bumisita sina Vina, Gladys, at co-star nilang si Neil Ryan Sese sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Martes at kabilang sa kanilang napag-usapan ay ang pinagbibidahan nilang serye.

Ayon kay Vina, thankful siya sa Kapuso network dahil sa oportunidad na ibinigay sa kanya na bumida bilang Felma sa Cruz vs. Cruz. Matatandaan na ito ang comeback ng actress-singer sa GMA matapos ang matagal na panahon.

"Ito yung pagbabalik ko sa GMA. So para sa akin, I felt so welcomed and I was like, I'm really grateful na ganitong klaseng role ang naibigay sa akin. Napakaganda at sinwerte lang kami dahil talagang sinubaybayan kami ng mga Kapuso dahil umabot kami ng almost a year. We are so grateful for this opportunity na ibinigay ng GMA," kwento niya.

Overwhelmed at puno rin ng pasasalamat si Gladys sa pagkakataong bumida sa nasabing teleserye na nagbigay sa kanya ng fulfilment.

“Overwhelming feeling and puro gratefulness po na siyempre. Unang-una, pasasalamat sa Diyos, Tito Boy, na nagbigyan ka ng ganitong oportunidad di ba? Yung bibihirang pagkakataon na, siyempre, mag-bida, bida-kontrabida sa isang teleserye na ang dami-dami mong eksena at napakabibigat ng mga eksena. Iba 'yung fulfillment kapag nakita mong nagawa mo nang tama 'yung mga eksena,” pagbabahagi niya.

Tinanong naman ni Boy si Neil kung ano ang pakiramdam nito na pinag-aagawan ng karakter nina Vina at Gladys ang kanyang role na si Manuel sa serye.

"Bilang artista, Kuya Boy, jackpot! Bilang character, mahirap kasi may mga desisyon kang kailangang gawin, may masasaktan, may mahihirapan 'di ba. Pero bilang artista, sobrang jackpot. Bilang tao, surreal 'yung pakiramdam kasi lumaki ako sa probinsya, Kuya Boy.

"Noong hindi pa ako artista, napapanood ko na sila. Lagi kong kinukwento sa kanila 'yan. Panahon ng Mara Clara, nakikita ko siya [Gladys] umiiyak, siya [Vina] pinapanood ko sa mga pelikula niya, nagpapakilig siya. Ngayon ang surreal nung pakiramdam dahil ginagawa ko 'yung eksena with them," kwento ni Neil.

Patuloy na subaybayan ang huling linggo ng Cruz vs. Cruz, Miyerkules hanggang Biyenes, 3:20 p.m., at sa oras na 2:30 p.m. sa Sabado sa GMA Afternoon Prime.

RELATED GALLERY: The cast of 'Cruz vs. Cruz' stuns in blue at the GMA Afternoon Prime Media Day