GMA Logo  Vina Morales
What's on TV

Vina Morales, handa ba sakaling pasukin ng anak na si Ceana ang showbiz?

By Jimboy Napoles
Published August 18, 2023 12:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balikatan Exercise: PH, US forces train vs drones
Extreme heat kills fish in Davao City fishpond
Here's how much tickets cost for 5 Seconds of Summer's concert in Manila

Article Inside Page


Showbiz News

 Vina Morales


Handa kaya si Vina Morales kung sakaling maging artista rin ang kanyang anak na si Ceana?

Inamin ng seasoned actress-singer na si Vina Morales sa Fast Talk with Boy Abunda na may posibilidad din na pumasok sa showbiz dang kanyang nag-iisang anak na si Ceana, ang anak nila ng kanyang ex-partner na si Cedric Lee.

Kuwento ni Vina sa batikang TV host na si Boy Abunda, nagpapasalamat siya sa pagkakataong maging ina at maalagaan ang kanyang anak habang lumalaki ito.

Aniya, “I'm just thankful that I try my best to raise her as a good person, a kind person and sa nakikita ko mukhang tama naman 'yung ginagawa ko.”

Kaugnay nito, tinanong ni Boy si Vina kung papasukin na rin ba ni Ceana ang show business.

Sagot naman ni Vina, “Parang meron kasi tinatanong siya ng mga tao, 'Ceana do you want to be in show business? [Isasagot niya], 'Hmmm, maybe.' May ganun so may possibility.”

“She doesn't say no?” tanong ni Boy.

“Yes. She doesn't say no,” sagot naman ni Vina.

KILALANIN ANG ANAK NI VINA MORALES NA SI CEANA DITO:

Pero ayon kay Vina, nais niya munang makapagtapos ng pag-aaral ang anak sakaling naisin nitong mag-artista, dahil ito ang mga hindi niya nagawa noon.

“But then for me, as a mom, siyempre 'yan 'yung mga na-miss ko sa buhay, 'yung finishing schol because I was so busy. I started when I was…well eight years old pa lang kumakanta na ako, I was working professionally. So para sa akin, gusto ko mag-aral muna siya,” ani Vina.

Gayunpaman, susuportahan umano ni Vina ang anak na si Ceana kung ano man ang naisin nito.

Aniya, “But then ang hilig kasi hindi mo masa-stop, katulad ng sa akin hindi ako na-stop ng parents ko. They were there to support me so I'll do the same thing to my daughter.”

Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.