
Bumisita ang Born To Shine stars na sina Vina Morales, Manilyn Reynes, Tina Paner, at Roselle Nava sa noontime variety show na It's Showtime ngayong Lunes (March 23).
Isang heartwarming song performance ang hatid ng seasoned stars nang awitin nila ang “Breakout” sa opening ng naturang noontime program.
Masaya ring binati ng showbiz icons ang Madlang People matapos ang kanilang performance.
Bukod dito, mayroong ding makuwelang asaran at kilig vibes dahil tila nagkaroon ng reunion ang dating mag-love team na sina Manilyn at OPM icon at It's Showtime host na si Ogie Alcasid.
Sandaling nag-duet ang dating on-screen partners nang awitin ang kantang “Pangako.”
Sa Born To Shine, ipinakilala si Vina Morales bilang Dara, Tina Paner bilang Charice, Roselle Nava bilang Monica, at Manilyn Reynes bilang Minchie.
Napapanood ang Born To Shine tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m, sa GMA Afternoon Prime.
Related content: Stars shine behind the scenes of the 'Born To Shine' pictorial
Samantala, patuloy na subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.