GMA Logo vina morales victim of cellphone snatching
What's Hot

Vina Morales, na-snatch ang cellphone habang nasa loob ng kotse

By Bianca Geli
Published October 3, 2020 5:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Albay bettor wins P25M prize to Superlotto 6/49 - PCSO
Farm to Table: (May 24, 2026) LIVE
Philippine Half Marathon Series 2026 boosts local sports tourism across six cities

Article Inside Page


Showbiz News

vina morales victim of cellphone snatching


Ibinahagi ni Vina Morales kung paano siya nanakawan ng cellphone habang nasa loob ng kotse, "[Ang] reaction ko po ay hinabol ko..."

Ikinuwento ng aktres na si Vina Morales kung paano siya nanakawan ng cellphone kamakailan habang nasa loob siya ng kaniyang sasakyan.

Pahayag ni Vina sa kaniyang Instagram, nakaparada sa isang gasolinahan sa EDSA ang kaniyang sasakyan at nakabukas ang kaniyang bintana nang may humablot ng kaniyang cellphone, na noon ay gamit niya pangtawag.

Aniya, "Ngayon ko lang po naranasan eto, may nag-snatch ng phone ko sa loob ng kotse ko habang gamit ko po, naiwan ko pong bukas ang window habang nasa EDSA, tapat po ng Phoenix gasoline station.

"Meron pong CCTV ang gasoline station, reaction ko po ay hinabol ko, meron po akong nakita na tao sabi may alam po siya, biglang may mga pulis na dumating at tinangay 'yung tao."

Nai-report na rin daw ni Vina ang insidente ngunit tumanggi na itong pumunta pa ng presinto para maghayag ng reklamo upang makaiwas sa COVID-19.

"Nakausap ko po si Lt. Alvin Bagay at pinapapunta po ako ng presinto para mag-report, sabi ko 'wag na lang po kasi po may COVID.

"Telepono lang naman 'yun pero nalulungkot ako kasi bakit may mga ganung tao," ani Vina.

Nagpasalamat din ang singer-actress sa mga taong nagbigay sa kaniya ng tulong. "Salamat po sa mga tao na tumulong sa akin.

"Etong message ko, just letting you know na mag-ingat po tayo. Bahala na lang po ang Diyos sa kaniya."

A post shared by Vina Morales (@vina_morales) on

Sunshine, Ruffa, Jackie, Karla, and Vina throw despedida party for Donita Rose