
Hindi napigilang maging emosyonal ng aktres na si Vina Morales sa bagong uploaded na video sa social media.
Makikita sa official social media pages ng GMA Network at GMA Drama ang video ng aktres na naiiyak habang ikinuwento ang tungkol sa viral post ng isang misis ng overseas Filipino worker (OFW).
Sa naturang video, nagpakilala ang aktres bilang Felma at aniya'y kanyang kuwento ang nasa tinutukoy na viral post.
“MISIS NG OFW SA NAG-VIRAL NA POST, NAGSALITA NA!
"'Hindi ko na kaya. Magsasalita na ako,' pagbabahagi ni Felma sa kanyang social media post. Kamakailan lamang ay nag-viral ang isang post tungkol sa kanyang live-in partner sa Saudi na may nabuntis na iba. Ngayon ay nagsalita na siya at inilahad ang kanyang kuwento at saloobin,” sulat sa caption.
Kasalukuyang mayroong mahigit 40,000 views ang naturang video sa GMA Drama Facebook page at mahigit two million views sa GMA Network Facebook page.
May kinalaman kaya ito sa kanyang bagong pagbibidahang afternoon drama series na Cruz vs. Cruz?