
Ipinasilip ng seasoned actress-singer na si Vina Morales ang masayang holiday celebration sa set kasama ang co-stars at production staff ng hit family drama na Cruz vs. Cruz.
Sa Instagram, ini-upload ng aktres ang video kung saan makikita ang ilang larawan mula sa naganap na story conference ng serye, pati ang masayang moments nila sa set.
Ayon sa aktres, itinuturing na niyang totoong pamilya ang mga kasamahan niya sa Cruz vs. Cruz.
"Can't stop crying because Cruz vs. Cruz is ending. We've been so blessed that it was extended and until now we're still hoping.
"I already know I'm going to have sepanx because I'll truly miss everyone this became a real family to me. Ang hirap but for now happy happy muna tayo because it's the holiday. Happy holidays po. Salamat po Kapuso," sulat niya sa caption.
Sa comments section, nagpasalamat si Gladys Reyes, na bumibida bilang Hazel, kay Vina na nakatrabaho niya ito sa Cruz vs. Cruz.
"Thank you ate @vina_morales blessing to have worked with you," sulat niya.
Patuloy na subaybayan ang Cruz vs. Cruz Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. at sa oras na 2:30 p.m. tuwing Sabado sa GMA Afternoon Prime.
RELATED GALLERY: THE CAST OF CRUZ VS. CRUZ ATTEND GMA GALA IN STYLE