GMA Logo Vina Morales
PHOTO COURTESY: GMA Integrated News (YouTube)
What's Hot

Vina Morales, sumabak na sa taping ng upcoming series na 'Cruz vs. Cruz'

By Dianne Mariano
Published February 19, 2025 4:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

15-anyos nga dalagita, napalgang patay | One Mindanao
Ombudsman, nagsampa ng kasong malversation at graft laban kay Bong Revilla at 6 na iba pa
Gabbi Garcia's photos from 2016 that prove she is a true it girl

Article Inside Page


Showbiz News

Vina Morales


Sumalang ang aktres na si Vina Morales sa mabibigat na eksena sa unang araw ng taping para sa upcoming drama series na 'Cruz vs. Cruz.'

Sumabak na ang actress-singer na si Vina Morales sa unang araw ng taping para sa upcoming drama series na Cruz vs. Cruz kamakailan.

Sa “Chika Minute” report ni Lhar Santiago para sa 24 Oras, ibinahagi ng celebrity mom na napasabak siya kaagad sa mabibigat na mga eksena para sa kanyang comeback project sa Kapuso network.

“Sobrang bigat na kaagad kasi it's magkasunod na mabibigat na mga eksena with my daughters, mga kids ko, and of course, si Neil [Ryan Sese] na first time ko rin makatrabaho,” kwento niya.

Puspusan din ang preparasyon ni Vina dahil gusto niyang maging maayos ang unang araw ng pagbabalik taping niya sa GMA.

Aniya, “Naka-prepare naman ako pero siyempre nandoon pa rin 'yung kaba kasi para sa akin, kapag nawawala 'yung kaba, masyado nang kampante. Ayaw ko ng gano'n.”

Ayon pa sa report, magpopokus muna ang seasoned star sa proyekto dahil na-miss niya ang paggawa ng serye.

Bukod dito, sinabi rin ni Vina na masaya siya sa kanyang personal na buhay.

“I'm very happy with what's going on with my life. I'm happy that I have my Ceana. Alam mo naman 'yung anak ko, napakabait din. Can you imagine, mag-16 na 'yung anak ko pala, sweet sixteen. And my family, we're healthy, 'yun ang pinaka-importante,” saad niya.

Panoorin ang buong panayam kay Vina Morales sa video sa ibaba.


TINGNAN ANG AGELESS BEAUTY NI VINA MORALES SA GALLERY NA ITO.