
Labis ang pasasalamat ni Vina Morales sa kanyang co-stars na sina Gladys Reyes at Neil Ryan Sese na kasama niya sa hit family drama na Cruz vs. Cruz.
Sa Instagram, ibinahagi ng actress-singer ang kanyang photos kasama si Gladys sa kanilang recent guest appearance sa Fast Talk with Boy Abunda. Nagpahayag din ng pasasalamat si Vina na nakatrabaho si Gladys sa Cruz vs. Cruz.
“Pa-sepanx na. So grateful to have worked with you sis @iamgladysreyes. Almost a year of working together and I will always cherish it. Know that I love you,” sulat niya sa caption.
Sa hiwalay na post, in-upload din ni Vina ang photos kasama sina Gladys at Neil, at sinabing masaya siya na nakatrabaho ang huli sa kanilang pinagbibidahang serye. Dagdag pa ng aktres na sana'y makatrabaho muli nila ang isa't isa.
“Haha Manuel napakagwapo mo talaga at pinag-aagawan ka namin ni Hazel hanggang sa dulo ng Cruz vs. Cruz hahaha. @neilsese masaya ako at nakatrabaho kita nang matagal, napakaswerte nating lahat dahil nagtagal at sinubaybayan ang Cruz vs. Cruz natin.
“Sana magkatrabaho pa muli tayo sa susunod. Mahal ka namin ni sis @iamgladysreyes,” sulat niya sa caption.
Huwag palampasin ang huling linggo ng Cruz vs. Cruz, MIyerkules hanggang Biyernes, 3:20 p.m., at sa oras na 2:30 p.m. sa Sabado sa GMA Afternoon Prime.
RELATED GALLERY: The cast of 'Cruz vs. Cruz' stuns in blue at the GMA Afternoon Prime Media Day