
Pinangalanan ni Prima Donnas star Vince Crisistomo si Asia's Pop Diva Julie Anne San Jose na isa sa mga artist na nais niyang makatrabaho.
Aniya sa kanyang latest In The Limelight feature, simula nang maging bahagi siya ng GMA Artist Center talents ay ang singer-actress na ang pinangarap niyang makasama sa isang proyekto.
“Siguro one Kapuso star that I'd like to collaborate with is Julie Anne San Jose. Ever since na pumasok sa GMA, she's the one Kapuso star na gusto kong maka-collaborate,” aniya.
Source: vince_crisostomo (Instagram), myjaps (Instagram)
Bukod dito, ibinahagi rin niya sa online show na gusto niyang makilala ng publiko bilang “diverse actor” kaya nais din niyang magkaroon ng projects na may iba-ibang genre.
“Actually madami akong dream role but ako kasi para sa'kin I want to be a diverse actor. Parang 'di lang 'yung sa action, sa drama, sa comedy…kahit anong role gusto ko.
“But siguro kung papipiliin ako na action dream role, siguro 'yung mga K-drama siguro na roles, leading man role sa K-drama,” aniya.
Ang nabanggit na dream role ay buhat sa kanyang pagiging avid fan ng ilang K-pop idol group, lalo na ng girl group na BLACKPINK.
“For example, we have 'Crash Landing on You.' Nagustuhan ko 'yung parang role dun ni Capt. Ri dahil sa pagiging mysterious niya and at the same time loving and gentleman sa kanyang pamilya at sa kanyang mahal. That's one of my dream roles,” dagdag pa ni Vince.
Source: vince_crisostomo (Instagram)
Samantala, isa si Vince sa cast ng high-rating afternoon series na Prima Donnas na pinagbidahan nina Jillian Ward, Althea Ablan, Sofia Pablo, at Elijah Alejo.
Aniya, isang karangalan na mapabilang sa isang well-received series, lalo na dahil nakatrabaho niya rito ang ilan sa mga tinitingalang artista sa indusrtiya.
“Para sa akin, 'Prima Donnas' is obviously an honor. Siyempre masaya ako kasi naging parte ako ng 'Prima Donnas' considering it is my first-ever teleserye.
“Based on my experience, it was really fun and sobrang dami kong natutunan sa 'Prima Donnas' dahil siyempre sa aking mga co-actors, the senior artists, ang dami kong natutunan sa kanila. And talagang madami akong parang na-bring home kahit saan ako pumunta,” lahad niya.
Dagdag pa ng young actor, “Parang 'yung pinaka samahan namin ng mga co-artist ko talagang sobrang saya. 'Yun 'yung para sa akin pinakaimportanteng experience sa 'Prima Donnas.'"
Kilalanin ang future leading man ng GMA Network na si Vince Crisostomo sa gallery na ito: