GMA Logo Will Ashley Vince Crisostomo and Julius Miguel
What's Hot

Vince Crisostomo, Will Ashley, at Julius Miguel, abala kahit quarantine

By Aaron Brennt Eusebio
Published May 26, 2020 4:17 PM PHT
Updated May 26, 2020 4:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rising P-pop group 1st.One to hold Asia Tour in 2026
Complete list of winners at the MMFF Gabi ng Parangal
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Will Ashley Vince Crisostomo and Julius Miguel


Alamin kung ano ang pinagkakaabalahan nina Vince Crisostomo, Will Ashley, at Julius Miguel ngayong quarantine.

Iba't ibang gawain ang pinagkakaabalahan ng mga bida ng Prima Donnas na sina Vince Crisostomo, Will Ashley, at Julius Miguel ngayong umiiral ang community quarantine.

Abala SA pag-aaral ng photography at pagkanta ang aktor na si Vince, na gumaganap bilang Cedric.

Kuwento niya, “I'm taking photography workshop and singing workshop. 'Yun po 'yung mga bago sa akin.”

Si Will naman ay sinusubukang magluto sa tulong ng kanyang mommy Mindy.

Aniya, “Hindi ko nagagawa dati 'yung pagluluto.”

“Sinusubukan ko rin po magluto. Nagpapaturo po ako kay Mommy.

“Naisip ko po, bakit hindi ko subukan? Baka mayroon din akong talent sa pagluluto.”

'Prima Donnas' star Will Ashley showcases his cooking skills

Bumalik naman sa kanyang first love, ang paggigitara, si Julius ngayong quarantine.

Saad niya, “Na-enhance ko this quarantine 'yung skill ko na mag-play ng guitar.”

Panoorin ang buong report ng 24 Oras:

IN PHOTOS: Meet GMA's future leading man, 'Prima Donnas' star Vince Crisostomo