
Hindi man sila nagkasama sa recent reunion ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates, nagkaroon naman ng unexpected meet up sina Vince Maristela at AC Bonifacio sa ibang bansa.
Sa Instagram Stories, ibinahagi ni Vince ang isang nakakatuwang video kung saan nagkita sila ni AC habang pareho silang nasa bakasyon sa South Korea.
Sa video, makikitang papalapit si Vince kay AC habang ito ay naghihintay. Sa biglaang paglapit ni Vince, nagulat ang aktres at sabi nito, "Ghad. Takot ako. Saan ka?" habang patuloy sa pagtawa si Vince sa kaniyang panggugulat.
Ni-repost ni AC ang Instagram Stories ni Vince at nilagyan niya ito ng caption na "Sa Korea pa talaga nagkita."
Maraming netizens ang natuwa sa muling pagkikita at pagiging close ng dalawa, kahit hindi man sila nagkasama sa loob ng Bahay ni Kuya.
Matatandaang na-evict si AC kasama ang kaniyang duo na si Ashley Ortega sa unang eviction night ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Si Vince naman ay halos sa kalagitnaan na pumasok kasabay si Emilio Daez.
Samantala, tingnan dito ang bonding moments ng PBB housemates sa outside world: