GMA Logo vince maristela and ac bonifacio
Photo source: vincemaristela (IG), acbonifacio (IG)
What's Hot

Vince Maristela at AC Bonifacio, nagkita sa South Korea

By Karen Juliane Crucillo
Published July 16, 2025 12:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lending firm collector, itinumba ng riding in tandem sa Maguindanao del Norte
Sunod-Sunod nga pagbuto sa Armas, Nadungog sa Senado | Balitang Bisdak
From sacrifices to smiles: 20 hardworking Pinay moms pampered on a special Davao getaway

Article Inside Page


Showbiz News

vince maristela and ac bonifacio


Tingnan dito ang hindi inaasahang pagkikita ng ex-'PBB' housemates na sina Vince Maristela at AC Bonifacio sa South Korea.

Hindi man sila nagkasama sa recent reunion ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates, nagkaroon naman ng unexpected meet up sina Vince Maristela at AC Bonifacio sa ibang bansa.

Sa Instagram Stories, ibinahagi ni Vince ang isang nakakatuwang video kung saan nagkita sila ni AC habang pareho silang nasa bakasyon sa South Korea.

Sa video, makikitang papalapit si Vince kay AC habang ito ay naghihintay. Sa biglaang paglapit ni Vince, nagulat ang aktres at sabi nito, "Ghad. Takot ako. Saan ka?" habang patuloy sa pagtawa si Vince sa kaniyang panggugulat.

Ni-repost ni AC ang Instagram Stories ni Vince at nilagyan niya ito ng caption na "Sa Korea pa talaga nagkita."

Maraming netizens ang natuwa sa muling pagkikita at pagiging close ng dalawa, kahit hindi man sila nagkasama sa loob ng Bahay ni Kuya.

Matatandaang na-evict si AC kasama ang kaniyang duo na si Ashley Ortega sa unang eviction night ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Si Vince naman ay halos sa kalagitnaan na pumasok kasabay si Emilio Daez.

Samantala, tingnan dito ang bonding moments ng PBB housemates sa outside world: