
Naging usap-usapan ng netizens ang kinahantungan ng relasyon diumano nina Trggrd co-hosts Vince Maristela at Cheska Fausto. Haka-haka kasi ng netizens, nagkahiwalay ang dalawa bago pumasok ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ang aktor.
Sa pagbisita nila kasama ang co-host na si Sean Lucas sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, July 31, pinabulaanan nina Vince at Cheska ang balitang hiwalay na sila. Sa katunayan, wala naman talaga silang naging relasyon.
Ayong kay Vince, single siya nang pumasok sa loob ng Bahay ni Kuya. Kaya naman, tanong ni King of Talk Boy Abunda, “Ano ba ang nangyari?”
Ang sagot ni Cheska, “Well, Tito Boy, we're not together po ni Vince.”
Nilinaw din ng aktres at Bubble Gang star na kailanman ay hindi sila nagkaroon ng relasyon, ngunit ibinahagi na nanligaw ang aktor sa kaniya noon. Saad pa ni Cheska, hindi naman niya binasted si Vince, ngunit naisip niyang hindi pa iyon ang tamang oras.
Pag-amin ni Boy, ang impression na nakuha niya, at maaari ng iba pa, ay naghiwalay sila dahil sa pagpasok ng aktor sa PBB.
Ngunit ayon kay Vince, “Siguro po nag-iba po talaga 'yung tingin ko kay Cheska. Mas lumalim siguro 'yung pagkakaibigan po. 'Yun talaga 'yung nakikita kong parang ayokong sirain.”
Saad pa ng aktor, “Siguro mahal ko siya pero in a different way.”
BALIKAN ANG ILAN SA MGA INSPIRING CELEBRITY COUPLES NA LONG-LASTING ANG RELATIONSHIPS SA GALLERY NA ITO:
Tinanong din ni Boy ang estado nina Sean Lucas at co-host nila sa TRGGRD! na si Thea Astley at ayon sa aktor, matalik silang magkaibigan. Segundang tanong ng batikang host ay kung may relasyon ba ang dalawang Sparkle stars.
Sagot ni Sean, “No po, Tito Boy, pero aaminin ko naman sa lahat ng mga kasama ko sa Sparkle siya talaga 'yung pinaka-close ko. Pero aside from that, hinihintay ko rin siya, like kung ready ba siya, kung gusto niya ba. So right now, we're just staying friends.”
Dahil magkakabarkada sila at magkakasama sa naturang podcast, tinanong ni Boy kung hindi ba magiging awkward kung may magkatuluyan o may magkalabuan sa kanila. Ayon kay Vince, ito mismo ang iniiwasan nila ni Cheska.
“Alam n'yo po, Tito Boy, 'yan 'yung iniiwasan ko, 'yung magkaroon ng relationship within the circle of friends kasi na-experience ko na rin 'yun dati nu'ng mga college, high school days ko and naaapektuhan talaga 'yung pagkakaibigan ng isa't isa,” sabi ng aktor.
Dagdag naman ni Cheska, “'Yun po 'yung reason e, like sa'min ni Vince, kaya hindi [tinuloy] because I didn't want also to take away anything or add anything to what we've had so we're good as friends.”
Panoorin ang panayam kina Vince, Cheska, at Sean dito: