GMA Logo vince maristela and cheska fausto
What's on TV

Vince Maristela at Cheska Fausto, na-starstruck sa kanilang 'Love Before Sunrise' co-stars

By Kristian Eric Javier
Published November 22, 2023 1:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Bicameral Conference Committee (Dec. 14) - Day 2 | GMA Integrated News
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

vince maristela and cheska fausto


Ayon kina Vince Maristela at Cheska Fausto, magaan katrabaho ang kanilang co-stars sa 'Love Before Sunrise.'

Aminado ang young Kapuso stars na sina Vince Maristela at Cheska Fausto na na-star struck sila sa mga beteranong co-stars sa romance-drama series na Love Before Sunrise. Ngunit kahit ganun, ibinahagi nilang magaan pa rin katrabaho ang mga ito.

Sa interview ng dalawa sa GMA Regional TV morning show na Mornings with GMA Regional TV, inamin ni Cheska na sa look test pa lang ay na-starstruck na siya sa kanilang co-stars.

“Kasi siyempre, parang second project 'to namin and with big stars just like Miss Bea [Alonzo] and Sir Dennis Trillo, Miss Andrea Torres and Sir Sid Lucero. So star struck na star struck ako,” pagbabahagi nito.

Ngunit sinabi rin ng young actress na nakikipag-usap pa rin sila sa kanila kahit pa big stars na silang maituturing.

Para naman kay Vince, magaan katrabaho si Dennis at nalaman pa niyang may mga pagkakaparehas pa sila.

“First day pa lang ng taping namin, napakagaan kaagad ng mga eksena namin, and siyempre, bago kami mag-take, nagkukwentuhan muna kami, and nakakatuwa pa nga po minsan kasi nagshe-share din siya ng mga hilig niya, na magkaparehas pala kami,” kuwento ni Vince.

Dagdag pa nito, “Sobrang saya lang talaga sa set and sobrang gaan lang sa pakiramdam.”

BALIKAN ANG FIRST SCRIPT READING NG MGA AKTOR NG LOVE BEFORE SUNRISE DITO:

Ibinahagi rin nina Vince at Cheska ang tungkol sa kani-kanilang karakter sa serye. Si Cheska, gumaganap bilang si Mutya Domingo, ang nakababatang kapatid ni Stella (Bea).

Paglalarawan ni Cheska kay Mutya, “siya ay mapagmahal na kapatid na talagang iniidolo niya 'yung ate niya at talgang sinusuportahan niya 'yung pagmamahalan ni Kuya Atom [Dennis] at ni Ate Stella niya so Team Atom talaga siya.”

Si Vince naman ay ginagampanan ang role ni Memot Sulit, ang katrabaho ni Atom na ayon sa young actor, ay super relateable sa kaniya.

“Kasi unang-una, si Memot is medyo makulit, and medyo pilyo din siya so si Memot, sobrang idol niya si Kuya Atom, which is si Kuya Dennis,” pagbabahagi niya.

Dagdag ni Vince, “And siyempre, isa din siya sa sumusuporta sa pagmamahalan ni Ate Stella at Kuya Atom.”

Ibinahagi rin ng young actor na iniidolo niya si Dennis, gaya ng karakter niya kay Atom, “kasi magaling talaga siyang actor.”

Panoorin ang buong interview nina Vince at Cheska dito: