
Isang bagong milestone ang naabot ni Vince Maristela nang kilalanin siya bilang ikaapat sa PIPOL's Sexiest of the Year category sa 7th VP Choice Awards ng Village Pipol Magazine.
Ang VP Choice Awards ay isang award-giving body na nagbibigay ng pagkilala sa biggest at brightest sa larangan ng travel, lifestyle, technology at entertainment. Ang mga mananalo ay pinipili ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagboto.
Nakilala ang charming bro-next door nang bumida siya sa iba't ibang serye sa GMA Network. Ngunit mas lalo siyang nakilala ng mga manonood nang maging parte siya ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
TINGNAN ANG IBA'T IBANG LITRATO NAGPAPATUNAY NA ISANG HUNK SI VINCE SA GALLERY NA ITO:
Kabilang ngayon si Vince sa cast ng Encantadia Chronicles: Sang'gre bilang si Akiro Nuñez. Sa isang instagram post, sinabi ng young actor na maituturing niya bilang isa sa mga hindi niya malilimutang roles ang ginampanan sa naturang action-fantasy series.
Mapapanood din si Vince sa GMA Afternoon family drama na Hating Kapatid. Sa isang Instagram post, pinasalamatan niya ang mainit na pagtanggap ng co-stars niyang Legaspi Family, at ng madalas niyang kaeksena na si Cassy.