GMA Logo Vince Maristela, Cassy Legaspi
Sources: vincemaristela/IG, cassy/IG
What's on TV

Vince Maristela, Cassy Legaspi, nasaan na nga ba ang relasyon ngayon?

By Kristian Eric Javier
Published December 12, 2025 2:48 PM PHT
Updated December 12, 2025 4:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal lost with jet carrying Libyan army chief over Ankara, Turkey says
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Vince Maristela, Cassy Legaspi


Ano na nga ba ang estado nina Vince Maristela at Cassy Legaspi ngayon?

Hindi maikakaila na maganda ang naging chemistry nina Vince Maristela at Cassy Legaspi sa hit GMA Afternoon Prime series nila na Hating Kapatid. Dahil sa closeness na pinapakita nila sa serye, hindi maiwasan ng fans na magkaroon ng mga haka-haka tungkol sa relasyon nilang dalawa.

Sa pagbisita niya, kasama ang Love You So Bad co-star na si Ralph de Leon, sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, December 12, tinanong ni King of Talk Boy Abunda kung sino ang sinasabihan nila ng mga katagang “I love you so bad.”

Sagot ni Vince, “Ngayon, Tito Boy, wala talaga e. Nanay ko, mom ko, mom ko 'yun sinasabihan ko ng love you so bad.”

Ngunit tila hindi naniwala ang batikang host at deretsahang tinanong ang dating PBB Housemate kung nasaan na ang relasyon nila ngayon ni Cassy.

“Ngayon, Tito Boy, we're just friends. We're very professional,” sabi ni Vince.

Nilinaw din ng batikang host kung dati ba ay umabot na sa puntong muntik maging more than friends ang relasyon nina Vince at Cassy. Ngunit paglilinaw ng aktor ay hindi naman umabot doon ang status nila.

“Pero nanligaw ka?” tanong uli ni Boy.

Sagot ni Vince, “Hindi po, hindi po.”

Tinanong din sila ng batikang host kung ano nga ba ang ibig sabihin ng mga katagang “love you so bad” para sa kanila at sa henerasyon nila. Sabi ni Vince, para sa kaniya ay isa itong guro na tinuruan siya tungkol sa pag-ibig. Pagbabahagi pa ng aktor, marami siyang natutunan sa limang past relationships niya.

“I think after nu'ng relationships ko na 'yun, madami akong natutunan, madami akong natutunan sa sarili ko at siguro kapag nasabi ko 'yung 'love you so bad,' 'yun 'yung parang tipong 'Nagawa ko na lahat at natutunan ko na ang lahat kaya masasabi kong ito na talaga 'yung pinaka mabibigay kong pagmamahal,'” sabi ng aktor.

Panoorin ang panayam kina Vince at Ralph dito: