
Pinag-usapan online ang latest scenes ni Vince Maristela sa mystery-family drama series na The Secrets of Hotel 88.
Related gallery: Meet the cast of The Secrets of Hotel 88
Kilala si Vince sa serye bilang si Peter, ang ex-boyfriend ng karakter ni Mika Salamanca na si Luna.
Sa recent episodes nito, natunghayan ang pagbabalik ni Peter (Vince Maristela) na ikinagulat at talaga namang hindi inasahan ni Luna (Mika Salamanca).
Natunghayan ang mahusay na pag-arte ng Sparkle actor na si Vince bilang binata na may malakas na kumpiyansa sa sarili.
Nabanggit pa ng kaniyang karakter na masaya siyang nakita niya ulit si Luna at tila ginugulo niya ang isip ng huli sa pamamagitan ng pagpapaalala at pagku-kuwento tungkol sa kanilang past relationship.
Maraming viewers ang nakapansin sa ipinakita ni Vince na kakaibang husay sa pagganap bilang si Peter.
Samantala, ang karakter ni Mika Salamanca na si Luna ay nali-link din sa karakter ni Brent Manalo na si Gio.
Bukod kay Vince, hinangaan din ng viewers at fans ang acting skills dito ni AZ Martinez, na napapanood sa serye bilang si Sari.
Ang cast members ng collab series ay pare-parehong ex-housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Patuloy na tumutok at subaybayan ang bawat karakter sa collab series na The Secrets of Hotel 88.
Ipinapalabas ito mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m sa GMA Prime.
Mapapanood din ang late telecast nito sa GTV at sa Kapuso Stream at napapanood na rin ang serye sa iWant TV.