
Sumabak sa special Valentine's Day episode ng Your Honor ang Sparkada heartthrobs na sina Vince Maristela at Sean Lucas nitong February 14.
At dito, ni-reveal ng magkaibigan sa session ng House of Honorables kung paano sila as a partner. Para, may twist inilarawan nila ang isa't isa sa harap nina Madam Chariz Solomon at Vice chair Buboy Villar.
Ayon kay Sean, matatawag niya na 'good provider at motivator' ang barkada na si Vince.
Kuwento niya sa Your Honor, “Maasahan talaga. Maasahan 'pag kailangan ng tulong, 'pag kailangan ng ganiyan.”
Pagbibida pa niya sa Kapuso hunk, “Actually, hindi lang siya [pati] buong family niya actually. Whatever [she] needs ipo-provide niya, one call away talaga. 'Tsaka, siya very good motivator sa kaniyang mga partners, 'yung mga partners niya napu-push niya palagi na mag-work out na rin. Napu-push niya na maging goal-oriented na rin, very supportive siya pagdating sa mga ganung bagay. Visionary.”
Para naman kay Vince Maristela, minsan nagugulat siya kung paano maging boyfriend ang MAKA actor.
Lahad niya sa Your Honor tungkol sa kaibigan, “Alam mo si Sean, may award ito e, boyfriend of the year 'yan lagi.”
“As in everytime na kunwari magkukuwento siya, 'tapos sasabihin niya ganito ginawa niya. Tipong mapapasabi ako, 'Talaga, ginawa mo 'yun?'”
Inilarawan pa niyang martyr si Sean Lucas.
Paliwanag niya sa Your Honor, “Umabot sa point na naaawa na ako sa kaniya, pero ginagawa pa rin niya para sa partner. Super effort na minsan din umaabot din nawawala na siya sa limits niya, nakakalimutan niya sarili niya. 'Yun ang perfect definition kay Sean na talagang ibibigay niya ang pagmamahal.”
Taong 2022 nang i-launch sina Vince at Sean as members of the Kapuso youth-oriented group na Sparkada.
RELATED CONTENT: AMAZING FACTS ABOUT SPARKLE ACTORS VINCE MARISTELA AND SEAN LUCAS