
Kinaaliwan ng netizens ang litrato nina Vince Maristela at Mika Salamanca kung saan makikitang tila galit ang aktres sa kanyang former Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate.
Matatandaang naging guest si Vince sa GMA Prime series na The Secrets of Hotel 88 na pinagbibidahan ni Mika, kasama ang iba pang former housemates. Dito, ginagampanan ng aktor ang role ni Peter, ang ex-boyfriend ni Luna, na karakter ng aktres.
Caption ni Vince, “Peter to St. Peter.”
Sa comments, tinawag ni Mika na “babe” si Vince, na sinagot naman ng aktor, “Babe, pinagpalit mo 'ko kay Brent Manalo. Bakit?”
Komento naman ng isang netizen, waiting sila sa reply ng kanyang “ex-babe.”
TINGNAN ANG ILANG CANDID MOMENTS SA SET NG 'THE SECRETS OF HOTEL 88' GALING KAY MIKA SA GALLERY NA ITO:
Samantala, inudyukan din ni Vince ang mga manonood tungkol sa kanyang karakter na si Peter.
“Tumawa naman kayo kasi nainis ata kayo sa character ko,” sabi ng aktor.
Pero ayon sa netizens, magaling ang karakter ni Vince sa serye at talagang napabilib sila nito.
Sabi ng isang netizen, “'Di naman sobra mo kasing ginalingan father Vince.”
“Love ka namin ano ka ba… puwede mabuhay ka ulit Peter bitin kasi suntukan niyo ni Gio,” sabi ng isa pang netizen, binabanggit ang karakter ni Brent Manalo, na may sariling history kay Luna.
Ilang netizens din ang nagpakita ng paghanga sa acting nina Vince, Mika, at Brent at sinabing magaling sila sa kani-kanilang roles sa serye.
“Ang galing mo dun Vince. Kuhang kuha ni Peter pika nmn. Hahaaha galing ng batuhan nio ng linya ni Luna and ung away nio ni Gio, galing,” sabi ng isang netizen.
“Ang galing niyong dalawa peter and luna,” sabi ng isa pang nagkomento.
Dagdag naman ng isa pang netizen, “Luna, Peter and Gio, ang galing!!”