GMA Logo Vince Maristela and Shuvee Etrata
Source: vincemaristela/IG, shuveeetrata/IG
What's Hot

Vince Maristela, naging malapit kay Shuvee Etrata sa loob ng Bahay ni Kuya

By Kristian Eric Javier
Published July 29, 2025 6:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Two high-speed trains derail in Spain, broadcaster reports 5 people killed
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Vince Maristela and Shuvee Etrata


Naging malapit sa isa't-isa sina Vince Maristela at Shuvee Etrata dahil sa pagiging late comers sa Bahay ni Kuya.

Hindi maitatanggi na maraming nagkaroon ng love teams sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. Kaya naman, isa sa mga naging tanong ni Karen Davila kay Vince Maristela sa kaniyang vlog, “Sa loob ng PBB, did you have a crush?”

Naging bisita ng batikang news anchor si Vince sa kaniyang vlog kamakailan lang at para sagutin ang tanong nito, sinabi ng Sparkle actor na wala siyang naging crush. Sa halip naging mas malapit lang siya sa kaniyang co-Sparkle star na si Shuvee Etrata.

“Si Shuvee po 'yung closest ko du'n sa mga housemates. Siguro po dahil late kami pumasok. Pumasok ako after a few weeks, then siya, after five weeks, so 'yung mga nararamdaman niya, 'yung mga adjustments niya, I was there for her,” sabi ni Vince.

BALIKAN ANG WARM WELCOME NG KANIYANG SPARKLE FAMILY KAY VINCE SA GALLERY NA ITO:

Nilinaw din ni Vince na hindi niya gustong ligawan si Shuvee, at sinabing masaya ang love life nito ngayon, bagay na ikinasaya rin niya.

“May love life po si Shuvee ngayon so ako, sobrang saya ko po. Sobrang proud ko po kay Shuvee kung ano 'yung narating niya sa PBB journey niya kaya andito lang ako para sumuporta sa kaniya,” sabi ni Vince.

Samantala, inamin din naman ni Vince na nagkaroon na siya ng girlfriend mula sa show business noong nagsimula siya sa Sparkada. Subalit sinabi niyang nahirapan din sila.

“Medyo mahirap din po siya so nu'ng nag-end 'yung relatiosnhip na 'yun, sabi ko, 'Focus muna tayo sa career natin,'” sabi ni Vince.

Bukod pa rito, ibinahagi rin ng aktor na minsan na siyang na-heartbroken noong college, ngunit hindi na nagbigay pa ng detalye.