
Sa pagiging bahagi ni Vince Maristella sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, naging malaking pagsubok ang pamba-bash at negative comments. Ngunit hindi para sa kaniya, kundi sa kaniyang inang si Jinky.
Sa panayam sa kaniya sa vlog ni Karen Davila kamakailan, ibinahagi ni Vince na marami siyang naging realizations tungkol sa kaniyang ina. Pagbabalik-tanaw ng aktor, alam niyang hindi niya mapi-please ang lahat ng tao, at mapipigilan magsalita ng negatibo lalo na sa social media.
“Hindi ko in-expect na maapektuhan 'yung mom ko. Hindi katulad ko na parang kayang, 'Bahala ka,' ganu'n. Kasi ganu'n ako, e. Kaya kong hindi pansinin 'yung mga negative comments,” pagbabahagi ni Vince.
TINGNAN ANG KILLER RESPONSES NG ILANG CELEBRITIES SA KANILANG BASHERS SA GALLERY NA ITO:
Pag-amin pa ng aktor, tinamaan siya sa kwento ng kaniyang ina, na gabi-gabi umanong umiiyak dahil sa mga nababasang negatibong komento. Kaya naman, napatanong raw si Vince sa sarili, “Kung nalaman ko lang na gabi-gabi ka umiiyak, tinuloy ko pa kaya sana itong PBB na 'to? Like worth it ba 'to?”
Kuwento ni Vince, noong nakita naman niya ang kaniyang ina noong nagkaroon ito ng pagkakataon na makapasok sa loob ng Bahay ni Kuya, mukha naman itong masaya. Kaya naman, hindi niya umano inaasahan na may pinagdadaanan na pala ito.
“Isa din 'yun sa mga realization ko na malakas lang din talaga 'yung mom ko,” sabi niya.
Inamin din ni Vince na mahirap para sa kaniya ang malayo sa kaniyang pamilya.
“Family guy kasi talaga ako, sobang love ko 'yung parents ko, 'yung siblings ko, sobrang importante talaga sa 'kin na may time ako with them. 'Yun 'yung parang 'pag pasok ko du'n, na-miss ko talaga sila,” sabi ni Vince.