GMA Logo Vince Maristela, Ralph De Leon, Xyriel Manabat
Courtesy: EJ Chua
What's Hot

Vince Maristela, Ralph De Leon, Xyriel Manabat, kabilang sa cast ng 'Love You So Bad'

By EJ Chua
Published December 11, 2025 1:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump says Thailand and Cambodia agree to end fighting
Food pack, tubig at iba pa, hatid ng GMAKF sa mga nasalanta ng Bagyong Tino sa Negros Island | 24 Oras
‘Wattwatch’ o Responsableng Pagamit sa Kuryente, Gilusad sa DOE-7 | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Vince Maristela, Ralph De Leon, Xyriel Manabat


Alamin dito ang roles nina Vince Maristela, Ralph De Leon, at Xyriel Manabat sa 'Love You So Bad.'

Makakasama nina Will Ashley, Bianca De Vera, at Dustin Yu sa Love You So Bad ang iba pang ex-housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Ang tinutukoy na kabilang sa cast ng pelikula ay ang Sparkle star na si Vince Maristela at Star Magic artists na sina Ralph De Leon at Xyriel Manabat.

Sa naganap na Media Night at Trailer Launch ng Love You So Bad, may pahapyaw ang tatlong ex-housemates sa kanilang mga karakter.

Pahayag ni Vince, “Ang role ko parang sa totoong buhay lang din, best friend ni Dustin [Yu]. Siguro nakita nila 'yung dynamics namin sa loob ng Bahay Ni Kuya pero rito kakaibang flavor.”

“Ako naman I play Phil. Like in real life I am Vic's [Will Ashley] best friend in the movie. Support na support ako sa bata ko,” paglalarawan ni Ralph sa kanyang role.

Ayon naman kay Xyriel, “Oh my gosh, my role, it's very challenging as myself, as best friend of Savannah [Bianca De Vera]. Ano po ito, kung paano po ako sa loob ng Bahay Ni Kuya 'yung puntahan ni Bianca ganon din po. Parang nadala lang namin sa movie.”

Samantala, panoorin ang official trailer ng Love You So Bad sa ibaba.

Ang direktor ng pelikula na collaboration ng GMA, ABS-CBN, Star Cinema, at Regal Entertainment ay si Direk Mae Cruz Alviar at ang writer naman nito ay si Crystal San Miguel.

Huwag palampasin ang love story ng Team SaVic at LaVan sa Love You So Bad, mapapanood na sa December 25 sa cinemas nationwide.