GMA Logo Vince Maristela
Courtesy: Michael Paunlagui, GMANetwork.com
What's Hot

Vince Maristela shares how 'PBB Celebrity Collab Edition' changed his life

By EJ Chua
Published July 25, 2025 1:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, easterlies to bring rain, cloudy skies over parts of PH
Alleged DI member wanted for murder, frustrated murder killed in clash
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Vince Maristela


Ibinida ni Vince Maristela ang isang moment kung saan naramdaman niya ang magandang resulta ng pagiging parte niya ng 'PBB Celebrity Collab Edition.'

Excited na ikinuwento ni Vince Maristela sa members ng press at kanyang fellow Kapuso stars ang isang masayang moment at experience na pinaniniwalaan niyang may kaugnayan sa naging journey niya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Sa Sparkle x PBB Grand Mediacon, ibinahagi ni Vince kung paano niya napansin na mayroon talagang nagbago sa kanyang buhay matapos niyang maging housemate sa Bahay Ni Kuya.

Related gallery: Kapuso housemates sa Sparkle x PBB Grand Mediacon

Ayon sa Sparkle actor, tila mas nakilala siya ng mga tao nung naging housemate at naging parte siya ng Pinoy Big Brother.

Pahayag niya, “Grabe, ako nagbago rin talaga 'yung buhay ko. Actually, galing akong Korea [nito lang] tapos ang dami nang nakakakilala sa akin.”

“Ang daming nagpa-picture sa akin. Tapos napasabi na lang akong wow, grabe, iba na pala talaga 'to. Kumakain ako ng street foods tapos may nagpapa-picture. Ayun nun ko na-realize,” dagdag pa ni Vince.

Pahabol niya, “Sobrang grateful ako sa [naging] journey ko.”

Si Vince ay ang kasabay ng Star Magic artist na si Xyriel Manabat na lumabas ng Bahay Ni Kuya matapos ang ikalimang eviction.

Nakilala ang Sparkle star sa hit GMA at ABS-CBN collaboration project bilang Charming Bro-Next-Door ng Cainta.

Related gallery: Sparkle's big homecoming surprise for Mika Salamanca, Will Ashley, Charlie Fleming, and AZ Martinez