
Tila walang mapaglagyan ng saya si Vince Maristela nang makita niya ang kanIyang fans sa The Big ColLove Fancon na naganap nitong August 10 sa Araneta Coliseum.
Related gallery: The Big ColLove Fancon
Sa stage ng big event, punong-puno ng energy si Vince habang ipinapaabot niya ang pagbati sa audience.
Sa kalagitnaan nito, napatalon ang Sparkle actor nang mapansin niya ang banners na mayroong nakalagay na pangalan niya habang hawak at iwinawagayway ito ng kaniyang supporters.
Pahayag ni Vince, “Ayun pa oh, may name ko, madami na [akong fans]… Ito pala 'yung opportunity na makikilala nila ako na funny pala ako. Funny ako guys 'di ba?”
Samantala, matatandaang minsan nang ikinuwento ng Sparkle actor sa members ng press at kaniyang fellow Kapuso stars ang isang unforgettable experience niya abroad na pinaniniwalaan niyang may kaugnayan sa naging journey niya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Dito ay marami umanong nagpa-picture sa kaniya kaya't napansin niyang labis na nakatulong ang naging journey niya sa Bahay Ni Kuya sa pagdami ng kaniyang supporters bilang isang artista.
Si Vince ay ang kasabay ng Star Magic artist na si Xyriel Manabat na lumabas ng Bahay Ni Kuya matapos ang ikalimang eviction night.
Nakilala siya sa hit GMA at ABS-CBN collaboration project bilang Charming Bro-Next-Door ng Cainta.
RELATED GALLERY: KAPUSO HOUSEMATES, NAGSAMA-SAMA SA GRAND SPARKLE X PBB GRAND MEDIACON